IT'S YOU Chapter 91

14 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 91

Nathalie Kim's POV.

Hindi ako nakapag focus sa topic namin sa nagdaang mga subjects. Napakarami ko kasing iniisip. Ang daming gumugulo sa isipan ko.

Natapos na ang klase maghapon at lutang parin ako. nagpaalam na sakin si Pretty ng makalabas kami ng classroom, ang sabi nya ay manonood pa daw sya ng practice ng boyfriend nya ng table tennis.

Agad akong sinalubong ni Kuya Celso sa Lobby, malawak ang kanyang ngiti at nakabulsa ang magkabilang mga kamay nito sa pants na slacks nya. as usual ay pinagkakaguluhan nanaman sya ng mga babaeng nakakakita sa kanya.

Aaminin ko na kahit ako man ay nahuhumaling sa looks nya. ngiti palang nya ay nakakakilig na. napaka fashionable din nya at sobrang clean tingnan. Pero kahit kinikilig ako kapag nakikita sya ay aminado akong hanggang kilig lang 'yun, wala nang mas malalim na feelings akong nararamdaman pa.

"kumusta ang pagaaral?" nakangiting tanong nya ng makalapit ako sa kanya.

"hmm.." napapaisip na usal ko. "ok lang. medyo stress lang." nakangiting sabi ko sa kanya.

Biglang sumagi ang sinabi sa akin ni Pretty kanina na dapat ay kausapin ko sya kung ano talaga ang nararamdaman nya sa akin. Dapat ko na kayang gawin 'yun ngayon?

"napagod ka ba? Kung gusto mo 'wag ka ng pumasok ngayon sa trabaho, umuwi ka nalang at magpahinga ka. Baka masyado mo nang pinapagod ang sarili mo nakakasama din sa iyo 'yan." Nagaalalang sabi nya.

"salamat sa concerned boss, pero baka nakakalimutan mo na ako si Nathalie? Hindi ako basta basta dinadapuan ng sakit. At mas lalong hindi ako mabilis na napapagod. Kaya papasok ako ngayon sa restaurant." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"bakit? si Nathalie ba si Wonder woman? Superhero ba sya? Tss."

"malakas ako. hindi ka na dapat magalala sa akin."

"sigurado ka ba? Kargo-de-kunsensya kita kapag may nangyaring masama sa iyo."

"kuya Celso itigil mo yang attitude mong 'yan, 'wag kang ganyan, baka ma-fall ako." natatawang biro ko sa kanya.

"kung heto lang ba yung tanging paraan para mangyari 'yun bakit hindi ko gagawin hindi ba?" nakangiting sabi nya sa akin dahilan para mahinto ako sa pagtawa at mapatingin sa kanya.

Nakangiti sya habang nakatingin sa akin. Ng mapansin nyang hindi ako nakangiti ay nawala ang guhit ng ngiti sa kanyang mga labi at tinaasan ako ng kilay.

"HAHA-HA-HAHA." Pinilit kong tumawa kahit hindi ko kaya. Tumawa din sya.

"ang cool mo ngayon ha, sumasakay ka sa mga jokes ko." kunwaring natatawang sabi ko sa kanya habang inatapik sya sa kanyang balikat.

"tingin ko hindi biro 'yun." Kibit balikat na sabi nya matapos ay hinawakan ang aking kamay dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"tara na sa kotse."

Hinila nya ako papuntang parking lot. Ng makarating kami sa tapat ng kotse nya ay agad nya akong pinagbuksan ng pinto sa bandang passenger seat. Agad akong bumitaw sa pagkakahawak nya sa aking kamay at pumasok sa loob ng kotse. Nagmamadali syang umikot at pumasok sa drivers seat. Nagsimula na syang paandarin ang kotse.

Ng makalabas sa parking lot ay nagdere-deretso na ang kanyang pagmamaneho. Panatag ako na saglit lamang ang magiging byahe dahil malapit lang naman ang restaurant mula sa school.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon