IT'S YOU Chapter 16

26 0 0
                                    

IT'S YOU Chapter 16

Nathalie Kim's POV.

Nawawala na ako sa sarili kong katinuan. Ang tanging alam ko lang ay masaya ako sa gingawa nya. marahan kong nilakad ang magkabilang kamay ko sa dibdib nya papunta sa batok nya.

Pinag intertwined ko ang mga daliri ko sa batok nya habang sya ay dahan dahang pinalupot ang mga kamay sa bewang ko papalapit sa kanya dahilan para magdikit ang katawan namin. First kiss ko ito! wala akong idea sa tamang paghalik. Basta ang ginagawa ko lang ay sinusundan ko lang sya. Yun lang.

Sa tantsa ko ay tumagal ng 20 seconds o mahigit pa na hindi aabot sa 25 or 26 na Segundo ang ginawa namin. Dahan dahan nyang inalis ang labi nito sa labi ko. Idinikit nya ang noo nya sa noo ko. Parehas kaming hingal na hingal matapos ay ngumiti sya sa habang nakapikit. Pumikit din ako at hindi din napigilan ang sarili. Napangiti din ako. Hindi ko gustong umalis sa ganoong posisyon.

Nawala ang ngiti ko ng maalala ang nagawa ko.

"l-lagot ako sa girlfriend mo."

Mahinang usal ko sa kanya habang nakapikit parin. Tama lang ang hina para marinig nya. dahan dahan kong inialis ang pagkaka intertwine ng mga daliri ko sa batok nya mtapos ay dahan dahang inialis ang mga iyon sa batok nya. bago ko pa man tuluyang maibaba ang mga kamay ko ay mabilis nya iyong ibinalik sa dating posisyon sa batok nya matapos ay muli akong niyakap. Hindi ko na ulit tinangka pang alisin ang mga iyon sa batok nya.

"hindi naman nya malalaman eh." Bulong nya sa akin. Naririnig ko lang ang mga salitang 'yan sa mga playboy. Tama nga ang ate nya. playboy sya!

Napadilat ako sa sinabi nyang iyon. Inialis nya ang pagkakadikit ng noo nya sa noo ko at tumitig sa akin. Napaka seryoso ng expression nya.

"Alie.... sa 'yo na ako... may gusto."

....

Isang magandang umaga ang sumalubong sa akin. Nandito parin ako sa bahay nila JB. Kahit gaano pa kalambot ang kama na hinihigaan ko Inaamin ko na sobra akong nahirapang humagilap ng tulog kagabi. Magkahalong saya at pagkakunsensya ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Sino ba naman ang hindi makukunsensya kapag nakipaghalikan ka sa isang taong may kasintahan hindi ba? Sa bagay may mga taong ganoon pero ako? Hindi ko kaya ang ganoon! At sino ba naman ang hindi sasaya kapag nalaman mo na ang crush mo may gusto din pala sa iyo?

Mas nangingibabaw ang sayang nararamdaman ko kaysa sa konsensya. Masama na ba ako sa lagay na iyon?

Ang hirap nyang hindi paniwalaan. Paano ba naman kasi kahit hindi na nya patunayan yung mga sinasabi nya dahil kahit mismo ang mga mata nya sinasabi ang mga nararamdaman nya. yung mga tunay na nararamdaman nya.

Napangiti agad ako. Hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong klaseng saya sa buong buhay ko.

Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kama. Napansin ko ang isang puting papel sa side table. agad kong kinuha iyon at binasa.

Alie,

Pasensya na kung hindi na kita nagawang hintayin pa. nauna na akong pumasok sa school dahil kailangang maaga ako at maaga ang practice namin sa dance hall ngayong araw. Kung may masakit pa sa iyo ay mas mabuting wag ka na munang pumasok, pero kung mgaling ka na. nasa closet lang yung damit na isusuot mo. Nasa table naman yung mga gamit mo. Kung may kailangan ka wag kang mahiyaang magtanong sa mga maids. J

JB.

Agad akong lumapit sa lamesa at nakita ko nga ang mga gamit ko.

"teka. Hindi ko bag ang isang ito."

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon