IT'S YOU Chapter 46

14 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 46

Nathalie Kim's POV.

"sure ka ha?"

"nak,.. tapon mo nga muna yung basura natin.. nandyan sa harap ng pinto.. salin mo na lang sa black na plastic bag sa harap ng gate!"

Narinig kong utos sa akin ni Papa..

"ah.. sige ho."

"tulungan na kita."

Nag nod lang ako kay Pretty.

Kinuha ko na yung lalagyanan ng basurahan namin sa pinto kasama si Pretty tapos dumiretso kami sa harap ng Gate para ilagay yung laman nun sa loob ng black plastic bag... kuhanan kasi ng basura ngayon ehh..

Habang sinasalin namin yung kalat sa black na plastic bag hindi namin nasahod ng mabuti kaya natapon yung iba.. karamihan sa mga natapon eh mga papel lang kaya kinuha na lang namin at nilalagay sa loob ng Black na plastic.

Habang busy kami sa pagpupulot ng kalat napansin ko yung isang sobreng puti na nakita ko kahapon sa harap ng pinto sa classroom namin.. yung galing nanaman sa Admirer kong si MIT.... tinapon ko na 'yun kagabi dahil hindi naman ako interesado sa kanya.. habang dinadampot ko 'yun... hindi ko maiwasang mabasa yung nasa likod ng sobre...

To: Mr. Prince Lazarus Gonzales

From: Cassandra Kate Kavanagh

Agad akong napatayo ng hindi oras at napahawak sa noo ko..

YUNG SULAT NA NAIABOT KO KAY JB EH YUNG SULAT NI MIT SA AKIN!.. NAMALI AKO NG ABOT!

Agad akong nagpanic..Napansin naman 'yun ni Pretty kaya agad syang tumayo..

"ok ka lang?"

"HINDI..."

"bakit ano bang meron sa sobre na 'yan?"

Inagaw nya sa akin ang sobre at binasa yung nasa likuran nito.. nagtataka lang syang tumingin sa akin..

"Pretty,.. yung sulat ni MIT yung naibigay ko kay JB kagabi.."

"ok.. nac-confused ako.. magkwento ka."

So 'yun nga nagkwento ako kay Pretty yung detalyado talaga para malaman nya..

"GOSH.. ALIEE!.. BAKA MA-CURIOUS SYA SA NAKA SULAT SA LIKOD NG SOBRE!.. 'DI BA 'DI PA NYA ALAM YUNG ABOUT SA SECRET ADMIRER THINGY MO?"

Nagpapanic na din na sabi nya sa akin.. halatang mas nagalala pa sya sa akin...

paano nga kung basahin nya?... hindi pa naman nya alam yung tungkol kay MIT. Patay..... hindi ko pa naman nababasa yung letter..

"kailangan na nating magpunta ng school!"

Natataranta nyang sabi. Agad ko namang kinuha kay Pretty yung Sobre at pinagpag 'yun dahil medyo may mga alikabok na at nasama nga sa basura. matapos ay nilagay sa bulsa ko.

Cazandra Kate's POV.

Wala yung teacher namin sa First at second period this morning kaya heto ako ngayon sa rooftop naka tambay... may klase sila Alie at Pretty kaya hindi ko na sila inaya pa..

Nakadungaw lang ako sa may baba habang pinagmamasdan yung mangilan-ngilang maliliit na tao na naglalakad.. ang sarap nga nilang pagmasdan eh..

maganda ang sikat ng araw ngayon... at pakiramdam ko naman na magiging ok yung buong araw kong ito.. sana magtuloy tuloy na..

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon