IT'S YOU Chapter 71

13 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 71

Joseph Miko's POV.

Hinanap ko si Cassandra sa buong building ngunit bigo ako.

Hanggang ngayon ay curious parin ako kung sino ang lalaki sa likod ng nakakatakot na mask. Bakit nya kilangang manakot ng ganoon? Ano ang naging atraso nila Alie, Cassandra at Lazarus sa kanya maging ang mga kaibigan ko? kailangan kong ibalita kila Alie ito.

nagmamadali akong nilinis ang sarili ko sa CR matapos ay lumabas na ng building nagtungo ako sa labas ng school. Na-relief ako ng Makita si Cassandra na nagmamadaling sumakay ng taxi. Buhay pa sya! Ano kaya ang nangyari sa kanya kanina at sa lalaking naka mask? Tinawag ko ang pangalan nya ngunit huli na. nakasakay na sya sa loob at umandar na ang taxi. Agad akong pumara ng taxi at sinabi sa driver na sundan ang kotse kung saan nakasakay si Cassandra.

Huminto ang taxi sa tapat malapit sa bahay nila Lazarus. pinahinto ko sa driver ng sinasakyan kong taxi hindi kalayuan doon at sakto lamang upang matanaw ko ang tapat ng bahay nila Lazarus. Bumaba doon si Cassandra at tuluyan ng umalis ang taxi na sinasakyan nya.

Biglang lumabas si Lazarus at lumiko ito sa kanan. Hindi nya napansin si Cassandra dahil nasa kaliwa ito.

Sinundan ko lamang ng tingin kung saan papunta si Lazarus. Nagtaka ako kung bakit hindi man lang tinawag ni Caz si Lazarus. Ng makalayo ng kaunting distansya si Lazarus ay nagsimula ng sundan ito ni Caz. Huminto si Lazarus sa isang bus station malapit lamang at hindi kalayuan sa kanilang bahay. Busy ito sa kakatingin at kakapindot sa kanyang cellphone kaya naman hindi nya napansin si Cassandra na sumusunod sa kanya. sumakay si Lazarus sa bus at ganoon din si Caz. Marami ang sumakay kaya maaaring hindi nya parin napansin ang presensya ni Cassandra.

Pinasundan ko sa driver ng taxi na sinasakyan ko ang bus kung saan nakasakay si Cassandra at Lazarus. Huminto ang bus sa tapat ng mall. Marami ang bumaba at kabilang na doon si Lazarus at maging si Cassandra. Naunang bumaba si Lazarus at lahat ng pasahero at nahuli naman si Cassandra kaya naman hindi parin nya napansin si Cassandra. Nagdere-deretso si Lazarus sa loob ng mall samantalang si Cassandra ay naiwang nakatayo at halatang nagiisip. Maya-maya lamang ay pumasok si Caz sa loob ng mall. Doon na ako bumaba ng taxi at nagbayad.

Sinuot ko ang black na cap na dala ko sa aking bagpack at inayos ang salamin habang pumapasok sa loob ng mall. Agad kong nakita na magkatabi at magkayakap si Lazarus at Cassandra habang nakaupo sa isa sa mga benches na naroroon sa harap ng entrance ng mall. Agad akong umiwas ng tingin at pinilit na hindi magpahalata sa kanila. Umupo ako sa bench na kung saan ay tatlong benches ang layo sa kanila. Umiiyak si Cassandra samantalang si Lazarus ay halatang nagaalala ang expression.

Hindi ko maiwasang masaktan sa nakita ko. bakit ganon? Hindi man lang nya ako binalikan para kumustahin kung ok lang ba ako. bakit kailangang kay Lazarus pa nya sabihin ang bagay na iyon? nandoon naman ako sa school kanina. dapat ako yung kinusap nya tungkol doon.

Possible kayang tinawagan ni Cassandra si Lazarus para makipagkita ngayon sa mall?

Kaya ko naman syang i-comfort gaya ng ginagawa ni Lazarus ngayon. bakit ba sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanya kay Lazarus sya pupunta at iiyak? Nakakainis!

Aalis na sana ako ngunit nahinto ako sa binabalak ko ng makitang tumayo silang dalawa at lumabas ng mall. Napakunot noo ako at nagisip. Saan kaya sila posibleng pumunta?

Nagmamadali din akong lumabas ng mall, saktong paglabas ko ay nakita ko ang pagpasok ni Alie sa loob ng mall. Natanaw ko sya sa entrance ng mall ngunit hindi nya ako nakita. gusto ko sana syang kausapin at puntahan ngunit ayokong mawala sa paningin ko si Lazarus at Cassandra.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon