IT'S YOU Chapter 59

14 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 59

Cassandra Kate's POV.

"buti naman at naisipan mo pang dumating Brandon." Sarkastikong sabi ko sa kanya habang deretso lamang na nakatingin sa kawalan.

Nasa rooftop kami ngayon ni Brandon at inimbita ko sya dito dahil gusto ko syang makausap.

Tumabi sya sa akin at ngumiti. Sinandal nya yung kanang siko nya sa pasimano ng rooftop at nakangiting tumingin sa akin. Ngiti na nakakatakot. Sobrang lapit nya sa akin dahilan para magdampi ang mga balat namin sa isa't-isa. Nainis ako sa ginawa nya kaya lumayo ako ng bahagya.

"ang sungit mo nanaman baby." Natatawang sabi pa nya. "kakatapos lang klase namin ok? Huwag ka ng magtampo." Medyo malambing na sabi pa nya. lumapit sya sa akin na naka-open arms na tila yayakapin ako kaya pinigilan ko sya kaagad.

"nanigarilyo at uminom ka habang nagk-klase kayo?" taas kilay ko pang tanong sa kanya.

Naamoy ko kasi na amoy sigarilyo at medyo amoy alak din sya. Tumawa lamang sya. Isang tawa na medyo nakakakilabot para sa akin.

Si Brandon yung lalaki na natural yung mga galaw at kilos nya pero sa paningin ko nakakatakot iyon kahit normal nya ang mga iyon. Tulad nalang ng pagtawa nya. natural ang tawa nya, pero sobrang nakakatakot para sa akin.

"ok! Sige.. aamin na ako baby." Nakataas ang mga kamay na sabi pa nya na parang sumusuko.

"naginom kami ng mga barkada ko sa likod ng school kanina. isang bote ng soju lang naman iyon kaya ok pa ako ngayon." Medyo pa-pungay-pungay narin ang kanyang mga mata.

"de-deretsohin na kita. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa kaya makinig kang mabuti." Nakacross arms na sabi ko sa kanya. ge-gewang-gewang syang lumapit sa akin at hinawakan ang baba ko.

"spill it baby." Malambing na sabi pa nya.

Agad kong hinawi ang kamay nya at tumingin sa kanya ng seryoso. Napairap nalamang sya sa kawalan sabay tingin sa akin at nag cross arms din.

"kaya kita pinatawag dito ay may gusto akong ipagawa sa iyo at sa tauhan ng Daddy mo... gumawa kayo ng paraan para pahirapan si Nathalie. Naaalala nyo ba yung pinagawa ko sa inyo ng mga kaibigan mo noong una? Gusto ko mas malala pa doon ang gagawin nyo. Ikaw na ang bahala, alam kong maasahan kita sa mga ganitong bagay. kuha mo?" Ma-otoridad na sabi ko pa sakanya. Napa-evil grin sya sa sinabi kong iyon.

"eh kung ipapatay ko nalang kaya?" sabi nya sabay tawa ng nakakatakot. Kinilabutan tuloy ako sa sinabi nya.

"kayang-kaya kong gawin 'yun baby. Alam mo naman marami akong kilalang sindikato diyan... mga pumapatay ng tao. haha" Nakakatakot sya habang pinagmamasdan ko sya na kumukuha ng isang stick ng sigarilyo sa pocket nya, sinindihan nya iyon. Habang nakatingin sa akin.

Nakakakilabot ang sinabi nyang iyon.. alam ko naman na kaya nyang gawin ang sinabi nya. hindi sya basta-bastang estudyante lang... Marami syang Gawain sa buhay na hindi tama para gawin dahil sa kanyang murang edad, marami syang mga bawal na ginagawa, kaya hindi ko talaga maiwasang matakot sa kanya.

Si Brandon ay nagiisang anak ng isa sa pinakamataas na namumunong tao sa South Korea. Nagiisang anak kaya nakukuha ang lahat ng gusto, naging suwail at barumbado. Kayang gawin ang lahat ng gusto. Easy lang ang buhay para sa kanya.

May mga bagay syang nakukuha nya kapag ginusto, pero may iisa syang gusto na hindi nya mukuha noon pa man. At 'yun ay ako. alam kong noon pa man ay may gusto na sya sa akin. Pero dahil nga wala naman akong gusto sa kanya ay hindi ko nalamang sya pinapansin pa. pero nagiging mabuti din naman kung minsan ang pagkagusto nya sa akin dahil nagagamit ko iyon para maasahan sya sa mga ganitong pagkakataon.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon