IT'S YOU Chapter 109

13 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 109

Lovy Kei's POV.

"magandang umaga kuya Celso—Jericho?" nakangiting bati na sana ni Darius kay Kuya Celso ngunit nawala ang ngiti nito at unti-unting napapakunot ang noo sa galit ng makita nya ang kapatid na si Jericho.

"t-teka.. anong ginagawa mo dito ha? Bakit wala ka sa school? May pasok ka ah!"sermon pa nya sa kanyang kapatid.

Inis na tumingin sa kanya si Jericho. "eh wala naman kaming pasok eh, nagpasama si Katarina sa akin dito sa Hospital nung mag announce yung teacher namin na walang pasok, pumayag na ako kasi ayoko pang umuwi sa bahay nila ate Pretty!" inis na paliwanag nya. "eh ikaw kuya? 'Di ba may pasok kayo? Bakit nandito ka?" napapangising tanong nya sa kanyang kapatid.

"hindi naman regular class! Tsaka isa pa saglit lang naman kami ni Kei... teka... s-sya ba si Katarina?" napapangiting tanong ni Darius.

Napakunot noo nalamang ako habang nakatingin sa dalawang magkapatid.

"oo ako nga po, ako po yung bunsong kapatid ni Kuya Celso bakit po?" takang tanong naman ni Katarina na nakatayo sa tabi ni Jericho. Si Kuya Celso naman ay kunot noong nakikinig lamang sa kanila.

"aya! Sa wakas nakita narin kita! Ikaw kasi yung madalas i-kwento sa akin ni Jericho! Ikaw yung ultimate crush ng kapatid ko! tapos kapatid mo pa pala si Kuya Celso? Woahh!"

Binatukal ni Jericho ng mga prutas na hawak nya si Darius. Nagtago ito sa likod ko at inis ko naman syang ialis mula roon.

"tumigil ka nga kuya sa kadaldalan mo, nakakahiya!" kunot noong sabi pa ni Jericho.

"ikaw si Darius 'di ba? Ikaw yung gitna sa inyong magkakapatid?" nakangiting tanong ni Kuya Celso kay Darius.

"AH opo kuya, pasensya na kayo ah? nabigla lang po ako kasi hindi ko naman po inexpect na nandito pala yung kapatid kong lover boy." Pabirong sabi pa nya.

Muli nanamang sumama ang tingin ni Jericho kay Darius, nagbelat pa si Darius sa kanya.. napakaisip bata talaga!

"buti naman at nagpunta kayo ni Kei." Ang sabi ni kuya matapos ay tumingin sa akin.

"ineexpect ko talaga ang pagdating nyo."

Lumapit kami kay kuya Celso at ipinakita yung dala kong brown na paperbag.

"may mga dala po kaming pagkain, heto po yung mga pagkaing sinuggest ni ate Alie na dalhin namin kasi marami po palang bawal sa inyo kuya. Kumain na po ba kayo?" tanong ko pa sa kanya.

"ah. oo eh, may nagdeliver ng pagkain dito kanina... pero dahil gutom parin ako kakain uli ako. sabayan nyo na ako, nag order yung dalawang batang 'to ng maraming pagkain sa fast food kanina bago sila magpunta dito."

So 'yun nga, sinabayan naming kumain si kuya Celso pati narin si Jericho at Kat dahil gutom narin kaming dalawa ni Darius.

"tama nga si kuya Celso, maganda ang ate Kei ko. alam nyo ba ang tagal ko ng pinangarap na magkaroon ako ng ate?" sumimangot sya. "bakit kasi ngayon lang kita nakita at nakilala."

"eh bakit ka nakasimangot? Hindi ba dapat mas maging Masaya ka ngayon dahil nakilala mo na ako? pwede mo na akong maging ate." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"talaga? masasabihan ka ate ng mga secrets? Mapapayuhan mo ba ako kapag nagkaproblema ako?"

"oo naman, handa akong gawin lahat ng mga bagay na dapat ginagawa ng ate sa nakakabatang kapatid na babae. For sure magiging close tayo sa lahat ng bagay." Masayang sabi ko pa.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon