IT'S YOU Chapter 4

53 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 4

Nathalie Kim's POV.

"totoo naman ah?" nangaasar na sabi pa ng Ate nya.

Nag flip pa sya ng buhok nya sabay tingin sa akin.

"alis na ko ahh? Ingatan mo yang sugat mo." Tumingin sya sa side nila Darius at Jericho.

"Bye." Sabi nya sa dalawa sabay wave ng mga kamay.

"Bye po Doktora! Nice meeting you! Bye bye! We love you!"

Sabi ni Darius sa kanya sabay wave din ng kamay tapos ay nag form pa ng heart sa mga kamay nya at inilagay yun sa dibdib nya habang nakatingin kay Doctror Gonzales.

Medyo O.A sya pero ganyan talaga sya kahit kanino. Nagsasabi sya ng "I love you" kasi according sa kanya normal lang ang sabihan ng I Love you ang kahit na sino.

Si Jericho naman ganun parin sa usual expression nya, nag wave lang sya kay Doctor Gonzales.

natawa pa si Doctor Gonzales kay Darius matapos ay tuluyan ng umalis ng Kwarto.

Kaya ako, si Jericho, Darius at yung lalaki nalang na naka bunggo ko kanina sa bookstore ang nasa loob ng standard private room na ito.

Tumingin sya sa akin sabay kamot sa ulo nya.

"Pasensya ka na sa Ate ko ah? Medyo may sira kasi 'yun sa utak."

Sabi nya sabay ngiti. Natawa nalang ako sa kanya.

"wag ka ngang ganyan sa ate mo."

"ahmm.. siguro kain nalang tayo sa labas? May alam akong masarap na restaurant malapit dito."

Naiilang pa nyang sabi.

Lumabas na kami sa Hospital, wala na akong nagawa kundi ang sumama dito sa lalaki na'to, syempre kasama parin namin yung dalawa, tatanggi sana ako sa offer nya pero si Darius kasi eh. Nagugutom na daw sya. Sya pa nga ang nanguguna sa paglalakad namin papalabas ng Hospital at tumatalon talon pa sa sobrang excitement habang naglalakad.

"Mr. saan tayo kakain?"

Tanong nya nang makapasok kami sa taxi.

"siguro sa Timber House Park Hyatt nalan—'

"wait lang ha? Baka naman mahal diyan?"

Pagpuputol ko sa sasabihin nya. Tiningnan lang nya ako sabay ngiti.

"ako na bahala. Sagot ko na kayong tatlo since may atraso naman ako sa 'yo."

"bawi ka naman na sa atraso mo, dinala mo kaya ako sa Hospital nyo kahit sobrang mild lang ng sugat ko."

Natatawa ko pang sabi sa kanya. nakanguso lang nya akong tinignan.

"eh... ayaw kasing huminto ng pagdugo kanina ng noo mo. Si Ate lang ang alam kong makakatulong sa'yo kaya dinala kita dun."

Sila nga pala yung may ari ng Gangnam Severance Hospital. kanina ko lang din nalaman. Kaya nga hindi na nila pinabayaran sa akin yung naging expenses ko sa Hospital.

Hindi ko naman na kailangan pang magdalawang isip na big Time ang isang ito dahil sa pananamit palang nya.. kung ic-compute ko kung magkanong pera ang naigastos nya sa suot nya ngayong winter retro turtleneck sweater coat, black pants, at combat outdoor boots siguro ay sobra sobra na iyon bilng baon ko sa buong isang linggo.

Sya ang nasa bandang passenger seat ng Taxi, samantalang kaming tatlo ay magkakatabi sa likod.

"teka kuya tangkad. Saan ba yung Timber House na sinasabi mo? Masarap ba doon?"

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon