IT'S YOU Chapter 6

44 2 0
                                    

IT'S YOU Chapter 6

Nathalie Kim's POV.

"sino sila?"

Interesadong tanong Ko kay Pretty na busy sa pagkain.

"sila yung tinatawag na the 5. Pangalan ng banda nila, isa sila sa mga naging successful na girl group na nabuo ng glee club ng school. Madalas silang nagp-perform pag may mga event ang school, nagustuhan na din kasi sila ng mga students dito, magagaling kasi sila, magaganda pa kaya karamihan sa mga lalaki dito, sila ang pantasya."

"ah. Kaya pala ang dami nilang fans? Nga pala bakit The 5 yung pangalan ng grupo nila?"

"The 5 kasi 4 members as 1 team 4 + 1 = 5 kaya The 5. Andrea Nicole Burton yung pangalan ng nasa gilid sa kaliwa, sya yung main rapper at main dancer ng grupo nila. Yung katabi ni Andrea si Michelle Hart sya yung lead rapper at vocalist ng The 5, tapos yung katabi naman ni Michelle is si Daffny Yap sya yung lead vocalist and visual ng grupo nila at yung nauuna sa kanila ay si Cassandra kate Kavanagh, sya yung leader, main vocalist at lead dancer ng grupo nila. Anak sya ng may ari ng Joong dong high school. Ang ganda nya di'ba? Loyal 'yan sa super gwapong boyfriend nya na si Prince Lazarus."

Paliwanag pa nya. Habang sinasabi ni Pretty 'yun, nakatingin lang ako sa kanila. Sa dating palang ng grupo nila, halatang may ibubuga sila.

Tumingin ako kay Pretty na ngayon ay nagpatuloy na ulit sa pagkain.

"yung glee club ba na binanggit mo kanina.. isa sya sa mga club ng schools?"

Tumingin sya sa akin. Tumatango habang ngumunguya.

"bakit gusto mong mag audition? Para mapabilang sa The 5?" tanong nya.

Umiling lang ako.

"wala naman akong balak na sumali sa kahit na anong clubs sa school, pag aaral lang muna siguro ang focus ko."

Umiling sya matapos nyang inumin yung coke nya at inilapag 'yun sa table namin.

"required na sumali sa mga clubs ang lahat ng students dito. Hindi ka ba na inform bago ka makapasok?"

Nagtatakang tanong pa nya.

"bukod sa kaunting pagpapaalala sa mga iilang important rules and regulations ng school, wala naman na, ang sabi sa akin ng principal, yung President na daw ng studen council yung bahalang mag paalala at maginform sa akin ng ibang bagay."

Pinatong nya yung dalawang braso nya sa table.

"tulad nga ng sabi ko, required na sumali ang mga students sa kahit isa lang sa mga clubs ng school, well, it's up to you kung sumali ka sa dalawa o tatlong clubs pa 'yan basta marunong ka lang mag balance ng oras mo, well, ok lang naman kung wala kang salihan na clubs basta kasali ka sa kahit anong sports o kahit anong organizations ng school."

"hindi naman ako mahilig sumali sa kahit anong organizationsnung nsa Gyeongju pa ako, wala din akong alam na kahit na anong sports."

"well, sa tingin ko kailangan mo ngang sumali sa mga clubs, kung mahilig ka sa pag arte, theater club ang salihan mo, kung mahilig ka sa pagsayaw, may Joong dong dance crew, kung ok ka sa pagkanta, glee club ang pasukan mo, may cheering squad at journalists din ang school. ano saan ka sasali?"

Medyo nakakainis yung nalaman ko tungkol kay Pretty, hindi kasi ako yung tipo ng estudyante na active sa kahit anong activities ng school. Pag aaral lang talaga ang gusto kong gawin. Pero dahil required nga na sumali sa kahit anong clubs, siguro sa glee club nalang.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon