ITS YOU Chapter 125

19 1 0
                                    

ITS YOU Chapter 125

(GUYS, ang part na ito ay may VIOLENCE CONTENT. SUPER BAWAL GAYAHIN.)

Oscar's POV.

"saan na ba kasi nagpunta si Lazarus?" napapa kamot nalamang sa ulong sabi ko pa.

"hindi kaya... sya naman ang sunod na nawala kagaya ni Cassandra?" kunot noong sabi ni Pretty sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nyang iyon. "maaaring tama ka!... nandito pa sa school si Brandon kung ganun.."

"Oscar! Pretty!" napalingon kaming lahat kay Tim na tumatakbo papalapit sa amin galing sa loob ng gym.

Nandito kami ngayon sa gilid ng gym malapit sa hallway sa mapunong parte. Kasunod ni Tim sila Andrea, Michelle, Maurice at Miko.

"wala si Lazarus sa loob.. pati si Alie hindi din namin nakita." ang sabi ni Tim ng makalapit sya sa amin.

Nagkatinginan nalamang kaming dalawa ni Pretty sa sinabi ni Tim.

"at ngayon pati si Alie nawawala narin? Ano nang gagawin natin?" napapahawak sa noong sabi ni Pretty.

"binalaan na ni Mr. Moore ang mga estudyante na magingat dahil sa mga nangyayari. Sinabihan narin nya ang mga security guards na magdoble bantay para sa seguridad ng lahat." ang sabi pa ni Tim.

"wait lang guys.. so ibig sabihin kanina pa nawawala si Caaaandra? Anong nangyari? Sinong gumawa nun?" nagtatakang tanong sa amin ni Michelle.

"wala pang kasigiraduhan pero malakas ang hinala namin na si Brandon nanaman ang may pakana ng mga kaguluhang ito." ang sabi ko sa kanya.

Napatakip ng bibig si Andrea at Michelle.

"masyadong matalino ang isang iyon.. talagang aatake sya at gagawa ng plano sa mismong araw at oras na iisipin nating Malabo syang lumitaw at gumawa ng masama." Seryosong sabi pa ni Maurice.

"maaaring kasama sa plbno nya na hindi magpakita sa atin ng mahabang panahon at saka lumitaw sa mismong araw na nakalimutan na natin ang tungkol sa masamang balak nya.. para nga naman mabigla tayo at hindi tayo maging handa sa pagdating nya." may point na sabi ni Miko habang nagiisip-isip pa.

"paano natin mahahanap sila Lazarus, Alie at Cassandra? Kung ganitong wala tayong alam sa mga nangyari kanina?" tanong ni Andrea.

"wait lang.. kung nasa loob si Alie kanina nung lumabas kami sa backstage... at nung puntahan sya ni Lazarus, ibig sabihin makikita nyo at ng ibang estudyante kung ano ang nangyari sa dalawa kaya sila nawala.." napapaisip na sabi pa ni Tim.

"hindi." Umiiling sa sabi ni Andrea. "nung lumabas kayo ay lumabas din Si Alie, sa entrance sya nagdaan dahil may kakausapin daw sya sa phone saglit. Nagpaalam pa nga sya kay Darius eh."

"hindi nyo din ba nakitang pumasok si Lazarus mga 5 or 8 minutes after naming lumabas kanina?" tanong ko naman.

"hindi. Never pa syang pumasok sa gym simula nung lumabas kayo sa backstage. Tsaka kung papasok man sya makikita namin sya kahit sa entrance, exit o sa backstage pa sya pumasok." Ang sabi naman ni Miko sa amin.

"tawagan nyo kaya si Lazarus?" ang sabi pa ni Pretty.

"nasa akin ang phone nya." ang sabi naman ni Maurice habang pinakikita yung cellphone ni Lazarus na kinuha pa nya sa bulsa ng kanyang pants.

"eh si Alie?" ang sabi ko.

Sa gitna ng paguusap ay biglang nagring ang phone ng isa sa amin. May kinuha si Pretty sa kanyang sling bag. Cellphone pala nya ang nagr-ring.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon