IT'S YOU Chapter 10

38 4 0
                                    

IT'S YOU Chapter 10

Nathalie Kim's POV.

"w-wala." Hindi ko nalang pinansin ang bagay na iyon at muling tumingin kay Tim.

"ah. Yung tinutukoy mo ba na Daffny eh yung sa The 5?"

Tanong ko. Muli syang tumango.

"kay Daffny ka naman pala may atraso bakit si Brandon at yung mga kaibigan nya ang gumawa sa 'yo niyan? I mean. Ano yung connect?"

Nagtatakang tanong ko.

"maaaring inutusan ni Cassandra si Brandon. Alam mo naman kung gaano sya ka-patay na patay pati na din ang mga kaibigan nya sa The 5 hindi ba? Lahat ng utos ng mga babae na iyon ay susundin nya. Nila."

Bored na sabi ni Oscar habang kumakain ng chocolate bar na kinuha nya sa bulsa ng slacks nya.

"bakit? Bakit naman nya susundin lahat ng gusto ng The 5? Sino ba sya?"

Tanong ko kay Oscar.

"Fan sila ng The 5 eh. May gusto kasi si Brandon kay Cassandra. Sa leader ng the 5. Parang ganito lang 'yan Alie. May gusto ako kay Pretty. Nililigawan ko sya. Lahat ng gusto nya ay susundin ko para maging maligaya sya. Ganon lang iyon. Ang punto ko dito. Si Brandon. Lahat ng gusto ni Cassandra susundin nya mapasagot lang nya yung nililigawan nya, lahat naman siguro ng lalaking may nililigawan ay ganoon din ang gagawin hindi ba?"

Inirapan lang sya ni Pretty dahil sa ginawa nyang halimbawa.

"heto namang si Brandon kahit alam na may Boyfriend na si Cassandra tuloy parin ang sya sa pangliligaw." Sabad ni Pretty habang nska Cross arms at naka tayo malapit sa pinto ng clinic.

"hindi ba si Lazarus yung boyfriend nya?"

Tanong ko.

"oo. Eh wala naman kasing pakeelam itong si Lazarus kahit sino pa yung lumapit na lalaki sa girlfriend nya. Ang nakikita ko namang dahilan sa bagay na iyon ay maaring malaki lang siguro ang tiwala nya sa girlfriend nya."

Napapaisip pang sabi ni Pretty.

"kung kay Daffny may kasalanan si Tim, bakit si Cassandra naman ang nagutos kila Brandon?"

Muli kong tanong.

"for sure na pinaalam nitong si Daffny kay Cassandra at maaaring sinabi nalang ni Cassandra kila Brandon."

Napatingin ako kay Tim na nagsalita.

"oy. Tinext ko na si Tita Carmella. Susunduin ka na daw nya, nasa trabaho daw ang papa mo eh."

Pagiiba ng usapan ni Oscar. Ang tinawag nyang Tita Carmella ay ang mama siguro ni Tim.

"mauna na kami ah? Late na kami sa first period ng klase. Balitaan mo ako pag magaling na ang mga galos mo."

Nakangiti kong sabi sa kanya habang tumatayo.

"sige. Gagawin ko. Salamat sa pagtulong ha? Sana makabawi ako sa kabutihang ginawa mo."

Nakangiti ding sabi nya sa akin.

"so sa akin hindi sya magpapasalamat?"

Dinig ko pang bulong ni Pretty na nakatingin sa labas ng pinto ng clinic.

"oy brad. Alis na kami ah! Sinabi ko sa Mommy mo na nandito ka sa school clinic."

Pagpapaalam pa ni Oscar. Tuluyan na kaming lumabas ng clinic. Naglalakad na kami ngayon sa hallway papuntang school building.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon