IT'S YOU Chapter 67

23 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 67

Prince Lazarus's POV.

"w-weh?" hindi pa makapaniwalang tugon ni Oscar habang nakatingin kay Kei. Nagtataka lamang na tiningnan kami ni Kei isa-isa. Halos lahat kasi kami ay nabigla sa sinabi nyang iyon.

Tumingin ako kay Alie. Nag iba ang expression ng mukha nya. salubong ang mga kilay nito at halatang malalim ang iniisip, nakatingin lamang sya sa mga daliri nya na pinaglalaruan nya. ang bilis naman nya yatang magbago ng mood? Kanina ay ganyan din sya ng parang may pinagmamasdan sya sa pinto ng pumunta ako sa classroom nila. Para syang natatakot. 'yun ay base sa expression na ipinakikita nya sa akin ngayon. Ok na kaya talaga sya?

Hinawakan ko ang kamay nya dahilan para tumingin sya sa akin. isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi nya.

"ok ka lang?" bulong ko sa kanya. tumango lamang sya at mas lalong hinigpitan ang paghawak nya sa aking kamay.

"bakit? Hindi man lang ba sya tumawag sa inyo o nag text man lang? ang sama talaga ng isang 'yun. Hindi man lang nya ipinaalam sa inyo na darating sya!" inis na sabi ni Kei.

"hindi sya nagtext at tumawag sa akin." Paliwanag ko.

"ganoon din sa akin." Sabi naman ni Oscar. "sa 'yo ba? Nagtext ba sya o tumawag man lang?"tanong ni Oscar kay Pretty habang naka holding hands silang dalawa. Nito nalamang namin nalaman na sila na pala. ^_^. Masaya ako para kay Oscar dahil sinagot na sya ni Pretty, sa hinaba-haba ng panahon ay magiging sila din pala.

"hindi.." tanggi ni Pretty. Tumango-tango naman si Oscar sa kanya.

"teka, curious parin ako... ngayong nakatira na si Kei sa poder ng pamilya ng Daddy nya... sang ayon ba yung mga magulang ni Tim doon?" tanong ni Miko.

"ayos na ang bagay na iyon... nagkausap na si Mommy at yung mga magulang ni Tim, wala na kaming problema pa tungkol sa bagay na iyon dahil payag naman si Kei sa desisyong iyon." Sagot ko sa tanong ni Miko

"Hmm... si kuya Tim lang yung labis na naapektuhan sa pag alis ko. pero pinaliwanag ko naman sa kanya na wala paring magbabago sa aming dalawa.. kuya ko parin sya."

"nakakapagtampo naman si kuya Tim... bakit kaya hindi nya pinaalam na dumating na pala sya?" sabi naman ni Darius.

"alam mo naman yung huling nangyari sa pagitan nila kuya Oscar, kuya Lazarus at Ate Alie 'Di ba? Hindi naging maganda ang huli nilang pagkikita kaya baka nahihiya pa si Kuya Tim na magpakita sa inyo sa ngayon. Pero ang alam ko ay ngayon naka-schedule ang exam nya kaya pupunta din sya sa school ngayon, makikita nyo narin sya."

"talaga?"masayang tanong pa ni Oscar. "excited na akong makita si Tim. Miss ko na ang mokong na iyon." Masayang sabi pa nya.

"h-hindi ka na galit sa kanya kuya Oscar?" tanog ni Darius sa kanya. nagkatinginan si Pretty at Oscar sandali matapos ay tumingin sya kay Darius. ngumiti si Oscar sa kanya.

"kaibigan ko sya... hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sa kanya... hindi na importante sa akin ngayon kung ano yung nangyari sa nakaraan. Mas masarap isipin yung nangyayari sa ngayon. Hindi na ako galit sa kanya at handa ko syang tanggapin ulit bilang isang kaibigan.." tumingin sa akin si Oscar at nagpatuloy sa pagsasalita. " ewan ko lang sa isang ito." napapangising sabi pa nya.

Napatingin din sa akin si Alie at halatang inaabangan ang mga susunod na sasbihin ko.

"ah... s-syempre naman... sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin...handa parin akong humarap sa kaya bilang isang kaibigan."

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon