IT'S YOU Chapter 115

16 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 115

Prince Lazarus's POV.

"Kumusta Bro?" enthusiastic na sabi ni Oscar habang sinasalubong ako sa pathway malapit sa entrance ng Joongdong.

Hindi ako sumagot at bored na tumingin lamang sa kanya. nainis sya ngunit agad ding natawa matapos ay niyakap pa ako at nagtatalon talon.

"Oscar ano ba? Magtino ka nga!" inis na sabi ko habang tinutulak sya papalayo sa akin.

"hindi mo ba ako na-miss?" malungkot na sabi pa nito habang humihiwalay sa pagkakayakap sa akin.

"paano kitang mami-miss? Eh halos buong Christmas vacation magkasama tayo? Tsk. Diyan ka na nga!" inis na sabi ko matapos ay humawak na sa magkabilang strap ng aking bag pack at naglakad na papuntang classroom ng nakangiti.

Agad syang tumakbo at sinabayan ako sa aking paglalakad.

"ano ka ba!? Alam kong magkasama tayo araw araw nung Christmas vacation pero iba parin pag kasama kita dito sa school. Kuha mo ako? tsaka isa pa, lagi ka namang wala sa mood kapag kasama kita.. ngayon ka lang yata nakangiti ng sobrang lawak.. paano ba naman kasi si Alie parin ang laging nasa isip m—"

Huminto ako sa paglalakad at sinenyasang tumigil sya sa kanyang pagsasalita kaya naman naputol ang kanyang sasabihin.

"Ooops! Magpreno ka sa kadaldalan mong 'Yan Oscar! Simula ngayon ayaw ko nang marinig ang pangalan na 'yan, kahit kailan lalo na pag manggagaling sa iyo, ok? Gusto ko ng mag move on, makisama ka ok? Simula ngayong araw, gusto kong makapagsimula ng maayos, Masaya at payapa... ng walang Alie sa aking buhay..."

Muli akong nagpatuloy sa aking paglalakad... sinabayan nya akong muli.

"ang lalim nun ha? Hahaha! Huwag ka ngang magsalita ng tapos, sakin mo pa talaga sasabihin ang bagay na 'yan ha? Alam kong hindi mo kayang kalimutan ang babaeng nagpabago ng pananaw mo sa buhay." Madiin na sabi pa nya sa akin. Inis akong lumingon sa kanya.

"alam mo kung hindi mo kayang makatulong sa akin umalis ka na lang sa tabi ko.. kaka-sabi ko lang 'di ba? Tanggap ko na na wala si Alie, kailangan ko lang ng panahon para tuluyan syang mawala sa isip ko."

Hinawakan nya ang aking braso dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

"ano na naman?" gigil na sabi ko sa kanya

"seryoso ka? kakalimutan mo na si Alie?" hindi pantya ang mga kilay na sabi pa nya.

"oo! Kakalimutan ko na sya at magpapakasal na ako kay Cassandra. Ok ka na?"

Maglalakad na sana akong muli ngunit humarang sya sa aking daraanan.

"kaibigan!" hindi makapaniwalang usal nya. "ano bang nakain mo sa almusal? Ano bang nangyari sa 'yo? Naumpog ka ba? May nangyari ba sa 'yo habang papunta ka dito sa school?" ang sabi pa nya habang chini-check ang kabuuan ko.

Piningot ko ang tenga nya kaya naman napasigaw sya sa sakit at umayos ng tayo.

"salbahe ka! bakit mo ginawa 'yun?" galit na sabi nya sa akin.

"ayaw na sa akin ni Alie, hindi na nya ako gusto.. pagod narin akong maghabol, kung ayaw nya sa akin, Fine! Di hindi ko na din sya gusto. Pakakasalan ko nalang si Cassandra, yayaman pa ako." cross arms na sabi ko pa sa kanya.

Napaatras sya ng isang hakbang.

"oh!? Bigla yatang nagiba ang ihip ng hangin? Bumalik na yata yung dating Lazarus na kilala ko? Tss.., alam mo bahala ka na sa buhay mo, kung 'yan ang desisyon mo wala naman akong magagawa eh, wish ko na sana hindi mo mapagsisihan yang gagawin mo... lalo na ngayon na aalis na si Alie at dun na titira sa Papa nya sa Canada? Tsk. Good luck Mr. mapagpanggap?" ang sabi pa nya matapos ay tatawa-tawang naglakad papalayo sa akin.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon