IT'S YOU Chapter 133

30 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 133

Prince Lazarus's POV.

3 years later

"Mommy anong itsura ko? maganda ba ang suot ko?" salubong ang mga kilay ko habang pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin.

"ok lang naman anak... alam mo kahit ano naman ang isuot mo ay bumabagay sa 'yo." Napatingin ako sa repleksyon ni Mommy sa salamin. Nakaupo sya sa gilid ng aking kama.

Napangiti ako sa kanya. nilapitan nya ako at hinarap nya ako sa kanya. maingat nyang inayos ang buhok ko.

"saan ka ba kasi pupunta at bihis na bihis ka?" takang tanong ni Mommy habang ginagawa iyon.

Ngumiti ako sa kanya. "sa hospital Mom." Ang sabi ko.

Lumayo sya ng isang hakbang sa akin at pinagmasdan ang kabuuan ko. "ok na!" thumbs up na sabi pa nito.

"teka, sa hospital?" taas ang isang kilay na tanong nya. nakangiting tumango lamang ako. kinuha ko na ang aking bagpack sa side table at sinukbit iyon.

"pupuntahan mo nanaman si Alie noh?" nakangiting tanong nya.

"oo mom. Hindi ako pwedeng hindi magpunta sa araw na ito.. birthday nya kasi." Ang sagot ko sa kanya.

"ah." napapatangong sabi nito. "kung sabagay, eh halos araw araw mo na syang pinupuntahan doon.. magtataka pa ba ako? sige pasabi sa kanya happy birthday ha?" sabi pa nito.

"sige Mom, makakarating... oh pano? Mauna na po ako. marami pa akong dapat na bilhin at daanan bago sa hospital eh, Bye Mom." ang sabi ko matapos ay humalik sa kanyang pisngi.

"ingat." Nakangiting sabi nya sa akin.

papalabas na sana ako ng pinto ng aking kwarto ngunit nahinto ako ng tawagan nya ang aking pangalan. Humarap ako sa kanya.

"Mom?"

Nag-half smile sya. Medyo teary eyed pa sya kaya naman nakangiting nilapitan ko sya.

"why? What's wrong?" tanong ko habang hinahawakan ang magkabilang braso nya.

Hindi na napigilan nito ang pagtulo ng kanyang mga luha. Ngumiti sya at umiling.

"wala lang... I'm just happy kasi nakikita kong napakasaya mo." bumuntong hininga sya. "in-love ang anak ko.. Masaya akong Makita kang ganyan.. bilib ako sa 'yo kasi... sa kabila ng nangyari kay Nathalie hindi ka parin bumibitaw sa kanya, hindi hadlang ang bawat panahon na nagdaraan at ang mga pagsubok na dumarating para manatiling manaig ang pagmamahal mo sa kanya.."

"salamat Mommy... sabi ko na eh.. darating ang tamang panahon para maging masaya ka din sa kung ano ang nararamdaman ko. maraming salamat Mommy."

"I'm really sorry. Malaki ang naging kasalanan ko sa inyong dalawa ni Nathalie.. sa ngayon maaaring ang paghingi palamang ng tawad ang kaya kong gawin, pero pangako, pag dumating ang tamang panahon, buo ang ibibigay kong suporta para sa inyong dalawa ni Alie.. gusto kong malaman mo na pinagsisihan ko na naging hadlang ako sa kaligayahan ng sarili kong anak, hindi ko naisip ang kapakanan mo." naiiyak na sabi nya.

Agad ko syang niyakap ng mahigpit at ganun din sya sa akin.

"maraming maraming salamat Mommy... mahal na mahal kita." Nakapikit na sabi ko pa.

Hindi naman nagtagal at naghiwalay din kami sa pagkakayakap sa isa't-isa.

"sige na... bumisita ka na sa kanya.. magiingat ka ha?"

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon