IT'S YOU Chapter 21

27 0 0
                                    

IT'S YOU Chapter 21

Nathalie Kim's POV.

[PLEASE PLAY HOW DO I SAY IT? BY: O.WHEEN (IT'S YOU OST PART 11) FOR THIS PART (Suspicious Partner 2017 kdrama ost pt.2)]

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad papalayo sa kanya pero sinundan parin nya ako.

"Uy Alie. sorry na!"

Huminto ako sa paglalakad ng marinig ko na ang salitang gusto kong marinig mula sa kanya. ngunit hindi parin ako lumilingon sa kanya.

"Hindi ko naman kasi alam na ayaw mo pala ang mga ganung biro."

Humarap ako sa kanya.... at ngumiti.

"Basta 'wag mo na ulit 'yun gagawin ha?"

Lumapit sya sakin at niyakap nya ako.

"Sorry ulit!"

"Oo na! Pinapatawad na kita!"

"Alie!"

"Oh?"

"Para saan yung.... ginawa mo sa akin kanina dun sa rooftop?"

"Ah? Ano ba yung ginawa ko sa'yo sa rooftop?" kunwaring patay malisyang sabi ko pa.

"yung kiss sa pisngi ko. Para saan 'yun?"

Bigla nanaman akong nahiya ng maalala ang ginawa ko. paano ko sasagutin ang tanong na kahit ako ay hindi alam kung bakit at paano ko nagawa ang bagay na iyon?

"W-Wala lang..."

Naisagot ko nalang. Kumalas sya sa pagkakayakap sakin..

"Sa susunod 'wag mo na ulit gagawin 'yun ah?."

Napayuko ako. Ok. Sorry! Nakalimutan ko na may Girlfriend sya. Nagmumukha nanaman akong masama sa sitwasyong ito.

"P-Pinakikilig mo ako eh." agad akong napatingin sa kanya. nakangiti sya sa akin ng sobrang lawak.

"ganoon lang kinikilig ka na? eh kung ulitin ko?" natatawang sabi ko sa kanya.

Dahan dahan kong nilapit yung mukha ko sa mukha nya ngunit bigla nya akong sinandal sa pader na agad kong ikinabigla. Sobrang lapit ng mukha nya sakin.

Nagkamali ako. Dapat ay hindi ko na sya biniro pa ng ganoon. Kinakabahan ako. Mas lalo pa nyang inilapit ang mukha nya sa akin dahilan para mapapikit nalamang ako, nakasandal na ang ulo ko sa pader at halos hindi na makagalaw pa. nilagay nya ang mga kamay nya sa magkabilang pisngi ko. nararamdaman ko yung mga malalambot nyang daliri na nakadikit sa balat ko. at dahil sa kawalang magawa ay pumikit nalamang ako upang hintayin ang mga susunod na mangyayari.

Naramdaman kong inalis nya ang magkabilang kamay nya sa pisngi ko ngunit ramdam ko parin yung mukha nya malapit sa akin.

"tinutukso mo ba talaga ako?... hindi mo ba alam na para sa isang lalaking katulad ko. napakahirap mag pigil ng nararamdaman. Kahit sinong lalaki na sabihan mo na hahalikan ng isang magandang babae ay malamang na kikiligin... kanina ko pa gustong halikan yang mga labi mo... kanina pa." bulong na sabi nito sa akin. Pinikit ko ng sobra ang mga mata ko habang kinakagat ang lower lip.

"yung... ginawa natin... kagabi?" napadilat ako sa sinabi nya nagpatuloy sya sa pagsasalita. "gusto kong.. maulit 'yun. Ang sarap mong humalik eh. Lalo na noong hinawakan mo yung batok ko." sabi nya matapos ay ngumiti.

"J-JB.."

Muli ay ikinikilos nya ang kanyang mukha papalapit sa akin. Malapit ng maglapit ang mga labi namin kaya naman napapikit nalamang ako. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. hindi ko masabing bawal ang ginagawa namin. Hindi ko masabing itigil na nya ang ginagawa nya. hindi ko masabing may Girlfriend sya!

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon