IT'S YOU Chapter 19

21 0 0
                                    

IT'S YOU Chapter 19

Nathalie Kim's POV.

"sinabi nya talaga sa iyo lahat?"

Gulat na tanong ko pa dito.

Patuloy parin sya sa pagngiti ng nakakaloko. Kinuha nya ang libro na nasa desk nya at muling binuklat.

"yung sa loob ng music room... yung kayong dalawa lang, kumanta ka pa nga eh.. tapo—"

"oo na sige na!"

Hindi ko na pinatuloy pa ang sasabihin nya dahil sa kahihiyan.

"Nag kiss kayo!? Tapos hindi mo sinabi sa akin? Ano ka ba namang klaseng kaibigan ka? Ha?"

Medyo malakas ang pagkakasabi ni Pretty dahilan para maagaw ang atensyon ng iilan sa mga classmates namin.

"nakakainis ka! Ang ingay ingay mo."

Bulong kong sabi sa kanya.

"GOOD MORNING SECTION I!!"

Naagaw ang atensyon ng lahat sa nagsalita sa harapan ng pinto.

Nakita namin si Oscar na nakatayo doon at nakangiti ng napakalawak. Agad syang pumasok at nagtungo sa harapan. Mabilis naman na umayos ang mga classmates ko at umupo sa kani-kanilang mga silya. Nilingon ko si Pretty na biglang natahimik.

Gulat ako ng makitang ang sama sama ng tingin nya kay Oscar. Bumaling ako kay Oscar na nasa harap. Nag w-wave sya ng dalawang kamay habang nakangiti kay Pretty. Ang dalawang ito talaga, hindi na natapos ang away.

"GOODMORING PRESIDENT!"

Bati ng ilan sa amin. Ilang sandali pa at nanaig ang katahimikan.

"wala si Mr. Moore. Naaksidente kasi. Ang balita ko ay nabundol sya ng kotse kaya walang magtuturo sa inyo ngayong first period."

Nangibabaw ang bulungan ngunit agad din namang tumahimik ng magsimulang magsalita ulit si Oscar.

"nandito ko ngayon para i-announce sa inyo ang isa sa mga activities na ilulunsad natin this month... ano ito?" pabitin pang sabi nya.

"tentenenen tentententen...."

Sabi pa nito dahilan para humagikgik ang ilan sa mga classmates namin. Nakita ko pang kinindatan ni Oscar yung isang magandang babaeng classmate namin na nasa bandang harap.

"pasikat."

Inis na bulong ni Pretty sa tabi ko habang nakatuon sa librong binabasa nito.

"isang..."

Halos lahat ng classmates ko ay tila inaabangan kung ano yung susunod na sasabihan nya maliban nalang sa katabi ko. malamang alam na nya ito, sya ba naman ang secretry ng student council! Malamang ay malalaman nya kung ano yung mga plano.

"GRADE 12 GRAND PAGEANT!!!"

halos isigaw na nito ang kanyang mga sinabi sa loob ng silid. Nangibabaw ang bulungan. Maraming na excite.

"ngayong month idaraos natin ang pageant para lang sa ating mga grade 12 students na gaganapin sa ikatlong linggo ng buwan, ang bawat sections ay magkakaroon ng representatives isang girl at isang boy. Kung sino man ang palaring manalo ay sila ang magiging representatives natin para sa nalalapit na Mr. and Ms Joongdong para sa taong ito."

Mahabang paliwanag pa nya.

"nandito ako para kuhanin ang pangalan ng magiging representatives ng section 1. maaari ko na bang malaman?"

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon