IT'S YOU Chapter 100

17 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 100

(HEY, Masayang Masaya ako at nasa ika-isang daan na kabanata ka na! ^__^ kung nagkikita lang tayo ay mahahalikan talaga kita sa sobrang saya ko! maraming maraming salamat sa pag t-tsaga.. siguro naman ay hindi mo na mabibitawan pa ang Story ko dahil sa mga kapana-panabik na mga pangyayari. 35 CHAPTERS KA NALANG KAYA PAGTSAGAAN MO NA!

P.S MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA)

Ron Davis's POV.

[PLEASE PLAY SLOWLY BY: VINCENT BLUE (IT'S YOU OST PART 3) FOR THIS PART (i'm not a Robot 2018 kdrama ost pt.6)]

"salamat." Napatingin ako sa kanya at napakunot noo.

"for what?" takang tanong ko.

"kasi.. hindi mo ako binigo. Dati.. natatakot akong magmahal muli, pero ngayon.. gusto kong malaman mo na sobrang saya ko dahil yung takot na nararamdaman ko noon.. napalitan na ng saya ngayon. Maraming salamat dahil may nagmamahal sa akin na katulad mo." nakangiting sabi nya sa akin.

"talaga? thank you." Napapangitimg sabi ko sa kanya.

Lumipas ang oras at natapos din kami sa pagkain. Nag stay muna kami saglit sa rooftop upang masulit ang preskong hangin na patuloy na dumadampi sa aming mga balat. Malapit kami sa railings ng Rooftop upang matanaw ang ibaba ng building.. natatanaw mula rito ang halos kabuuan ng Seoul.

Tanaw na tanaw din dito ang mga maliliit na kotse na nasa highway. Mga maliliit na kabahayan, mga maliliit na ilaw na hanggang dito ay abot ang sinag.

"napaka-refreshing." Nakapikit na sabi pa nya habang naka-open arms at nakapikit ang mga mata.

Nakatingin lamang ako sa kanya at pinagmamasdan sya.

"thankful ako at nagustuhan mo ang lugar na ito." naka-cross arms na sabi ko sa kanya.

"kahit saan mo naman ako ipunta, gusto ko.. ikaw ang kasma ko eh." Nakadilat na sabi na nya at nakaharap sa akin.

"alam mo.. iba talaga ang pakay ko kung bakit nagpunta tayo sa lugar na ito bukod sa pagkain ng dinner." Nakangiting sabi ko sakanya. Lumapit pa ako ng isang hakbang sa kanya.

"ano bang ibig mong sabihin?" natatawang sabi nya matapos ay ibinaling ang tingin sa ibang paligid.

Agad kong kinuha ang maliit na kahon sa bulsa ng aking kulay asul na suit at lumuhod sa harap nya.

Nang makaharap sya sa akin ay nanlaki ang kanyang mga mata at napatakip pa ang bibig. Lumawak ang aking ngiti ng makitang may maipon na mga luha sa magkabilang mga mata nito.

"ang cute ng expression mo.. I like it." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang maliit na kahon na nakalahad sa mismong harap nya.

"oh gosh." Mahinang sabi pa nya ng makita ang kulay silver na ring.

"gusto kong malaman mo na sobrang saya ko nung mga araw na bumalik ka sa akin at malaman mismo sa iyo na mahal mo parin ako.. at ngayong akin ka na.. gusto kong makasiguradong wala nang ibang lalaki ang makakaagaw sa akin sa 'yo. Mahal na mahal kita. At handa na kitang pakasalan... buo na ang loob ko Candice.. ikaw ang babaeng gusto kong makilala pa ng lubusan at makasama sa buong buhay ko. "

Tumulo ang kanyang mga luha habang nakatitig sa akin. Inilagay nya ang mga kamay nya sa kanyang likod at ibinaling pa sa iba ang tingin. Muli syang tumingin sa akin at ngumiti ng malawak kahit ayaw tumigil ng mga luha nito sa pagpatak mula sa kanyang mga mata.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon