IT'S YOU Chapter 120

14 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 120

Cassandra Kate's POV.

Isang araw lamang ang lumipas nun nang ipatawag ako ni Daddy sa opisina nya sa bahay namin kasama ang Mommy ko.

"Dad? Pinatatawag nyo daw ako sabi ni Manang?" sabi ko habang naglalakad papalapit sa table nya.

Nakatayo si Mom sa gilid ni Dad. Maraming nagkalat na papers sa tabi ng computer ni Dad na nakapatong sa lamesa at about 'yun sa trabaho. Mukhang busy ito at humingi lamang ng kaunting oras para sa akin dahil may mahalaga syang sasabihin.

Nakangiti silang dalawa ni Mommy. Mukhang good news ang ibabahagi nila sa akin.

"maupo ka Caz." Ang sabi pa ni Mommy habang tinuturo yung upuan na nasa harap ng table ni Dad.

"na-inform ko na ang family ni Lazarus tungkol sa pagpapaatras ng planong arrange marriage ninyong dalawa.. pumayag sila sa naging desisyon natin.."

Ngumiti ako. "salamat Mom, Dad... salamat at naintindihan nyo ako kahit alam kong mahirap para sa inyo na basta nlang ibasura ang agreement nyo sa family Gonzales." Ang sabi ko.

"syempre naman, maiintindihan ka namin dahil anak ka namin. Wala nang mas importante pa sa amin ng Daddy mo kundi ang kapakanan at kaligayahan mo." ang sabi pa ni Mommy.

Lumapit ako sa kanilang dalawa. Tumayo si Dad at niyakap ko silang dalawa.

Bumalik ako sa kasalukuyan matapos kong maipaliwanag kay Alie ang lahat lahat.

Hindi na namin halos magalaw yung aming pagkain dahil sa mga sinabi at ikwinento ko sa kanya.

"Alie.." usal ko sa kanyang pangalan habang hinahawakan ang kanyang kamay na nakapatong sa lamesa.

"yung mga panahong hindi ka pinapansin ni Lazarus? 'Yun yung mga panahong takot na takot syang malaman mo yung tungkol sa aming dalawa.. gusto nyang masulusyunan namin iyon ng hindi mo nalalaman. Ayaw nya kasing magisip ka pa at mamroblema, pero maniwala ka sa akin.. gustong gusto ka na nyang kausapin nung mga panahong iyon.. kapag lagi kaming magkasama? Ikaw ang laging bukang bibig nya. wala syang ibang iniisip kundi ikaw lang."

"k-kaya pala lagi kayong magkasamang dalawa.." nasabi nalamang nya.

"wala nang dahilan pa para lumayo ka kay Lazarus Alie, hindi ito yung panhon para isipin mo yung mga taong hahadlang sa inyong dalawa... panahon na para isipin mo naman ang sarili mong kaligayahan. Hindi masamang ipaglaban ang taong mahal mo.. minsan ka lang maging Masaya, tapos hahayan mo nalang na pakawalan sya at susuko nang ganun ganun nalang?" paliwanag ko pa sa kanya.

Marahan nyang inalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanya at itinago iyon sa ilalim ng lamesa.

"maraming salamat sa concerned Caz pero... buo na ng desisyon ko noon pa.. ayaw ng Mommy ni Lazarus sa akin para sa anak nya, isa pa, nabanggit nya na kayang kaya nyang itakwil si Lazarus bilang anak nya kapag pinilit ko pang makasam si Lazarus. Hindi ganun kadali 'yun Caz."

"maaaring nasabi lang 'yun ng Mommy nya dahil hindi pa binabasura ang agrrement nila ng parents ko.. Hindi pa naman alam ni Lazarus na hindi na tuloy ang kasal namin eh, kung gusto mo ikaw nalang ang magsabi sa kanya."

Umiling sya at pinilit na ngumiti. "wala na sigurong makakapigil nang desisyon ko Caz. Matapos kong marealized ang lahat lahat? na kundi dahil sa akin ay hindi napahamak si Lazarus, Kundi dahil sa akin sana Masaya ka... isa pa.. alam mo naman na aalis na kami ng mga kapatid ko dito after kong makagraduate ng high school. Mas mahihirapan lang ako kung babaguhin ko pa ang desisyon ko."

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon