IT'S YOU Chapter 7

53 2 0
                                    

IT'S YOU Chapter 7

Kim Darius's POV.

At dahil wala akong kasabay mag lunch sumama nalang ako kay kuyang tangkad.

"sya si Tim Tim, sya naman si Oscar. Mga barkada ko."

Pagpapakilala ni Kuyang tangkad sa dalawang kasama nya na mukhang anak mayaman din. Totoo nga ang sabi ng mga classmates ko kanina, karamihan na nagaaral sa Joongdong mayayaman.

"eh ikaw kuya? Anong pangalan mo? Hindi pa kita natatanong simula nang magkita tayo kahapon."

Buti nalang naitanong ko na kaagad kung ano ang pangalan nya dahil baka masanay ako sa pagtawag sa kanya ng kuyang tangkad.

"ah. Lazarus. Lazarus ang pangalan ko."

Nakangiting sabi nya sa akin. Tumango-tango nalang ako habang nakangiti.

"teka brad. Sino sya?"

Nagtatakang tanong ni Oscar sa kanya. magsasalita na sana sya kaso inunahan ko na sya.

"ako si Kim Darius Dela Cruz! Grade 10 palang ako. Nagkilala kami ni Kuyang tangkad—ay. Ni Kuya Lazarus kahapon sa COEX. Aksidente nya kasing nabangga yung ate ko. Nagkasugat sya sa noo kaya dinala sya sa Hospital."

Napa-kunot-noo naman yung dalawa sa akin.

"ah. Kumusta na nga pala si ate Nathalie Kim mo?"

Masayang tanong sa akin ni Kuya Lazarus.

"Alie nalang ang itawag mo sa kanya kuya. Masyadong mahaba pag full name. 'yun kasi yung nickname nya." Sabi ko pa. nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "ok naman na si ate. Medyo malungkot nga lang sya kahapon bago ka umalis ng Resto bar."

"nalungkot ba talaga sya sa pagalis ko?"

Interesadong tanong pa nya sa akin. Nag nod lang ako sa kanya habang kumakain ng burger.

"nandito sya sa school ngayon ah? Ka-batch nyo sya. Di mo ba nakita?"

Bago pa man makasagot si kuya Lazarus sumabad na sa usapan ang naguguluhang si kuya Tim Tim.

"teka nga. May kailangan kaming malaman. Magkwento ka nga Lazarus."

Naiinis pang sabi ni kuya Tim Tim sa kanya. Masaya namang pinaliwanag ni kuya Lazarus yung nangyari kahapon sa Mall hanggang sa resto bar.

"so. Ate mo yung magandang chic na kasama ng baby ko?" tanong pa ni kuya Oscar sa akin.

"huh?"

Nagtataka ko pang tanong sa kanya.

"I-I mean. Ate mo yung si Nathalie kim?" Paguulit nya sa tanong nya.

"ah. Oo. Ate ko sya."

"pakilala mo naman ako oh?"

Masayang sabi ni kuya Tim Tim sa akin.

"hep. Magtigil ok?"

Naiiritang sabi naman ni kuya Lazarus sa kanya.

"nga pala, bakit hindi nyo nabanggit sa akin na dito pala kayo nag transfer?"

Muling tanong sa akin ni kuya Lazarus.

"hindi naman kasi namin alam na dito ka pala nagaaral. Nga pala, gusto kong makilala ng papa namin."

Nakangiti kong sabi sa kanya.

Nagpatuloy lang kami sa pagk-kwentuhang apat. Hanggang sa natapos ang lunch break. Nagpaalam na ako sa kanila dahil ayokong ma-late sa sususnod kong klase.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon