IT'S YOU Chapter 31

17 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 31

Cassandra Kate's POV.

Lakad lamang ako ng lakad habang nakayuko. hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta... basta maglalakad lang ako ng maglalakad... bahala na.. iyak parin ako ng iyak habang naglalakad.

kung kanina kasama ko sya, ngayon. It's just me and my broken heart. Naka yuko ako habang naglalakad. at wala akong pakialam sa mga taong nakakakita sa akin.

Sa hindi inasahang pangyayari ay may nabunggo akong tao. At dahil nakayuko ako ay hindi ko napansin kung sino iyon. Nagkaumpugan kami sa ulo ng isa't-isa. At dahil sa hinang-hina ako dahil bukod sa nag break kami ng Boyfriend ko ay hindi pa ko kumakain ng agahan dahilan para matumba ako at mapaupo. Kahit sya ay naumpog din.

"ay. s-sorry p-"

napahinto ako sa sasabihin ko ng tinignan ko ang taong nakabangga sa akin. Kilala ko sya, sa Joongdong sya nag-aaral. at isa din sya sa mga candidates sa Pageant ng school. Lalaki sya actually, at sya yung ka-partner ni Nathalie sa pageant.. at real talk gwapo sya. kung hindi ako nagkakamali Ang pangalan nya ay Miko. madaming nagkakagustong babae sa isang ito dahil nga sa bukod sa matalino, first honor pa sa star section, gwapo pa. Diba?.. sana talaga sa isang ito nalang ako nag kagusto.... pero hindi eh. honestly hindi ako na-a-atract sa isang ito. pero tama talaga sila, gwapo sya.

matangos ang ilong, maputi, blonde ang buhok na talagang bumagay sa kanya at talagang nagpa-gwapo sa kanya. matangkad sya actually magsing tangkad lang sila ni Lazarus. at lagi syang naka eye glass. gwapo naman sya kahit may salamin, pero sa tingin ko mas gwapo sya pag walang salamin na suot... ang pagkakaalam ko kasi may deperensya sya sa mata.

May pagka Nerdy itong si Miko. Halos araw araw ay may hawak syang patong patong na libro. Kung hindi mo sya makikita sa library, nasa classroom lang sya. May mga kaibigan naman sya ngunit pili lamang. Hindi ko sya madalas nakikita na gumagala sa school at nakikipag chikahan sa ibang mga estudyante.

"oh... Hi Cassandra!. ikaw pala 'yan."

nakangiti nyang sabi sa akin. agad syang tumayo at inilahad ang kamay nya sa akin. binigyan ko lang sya ng pilit na ngiti at tinanggap ang kamay nya para itayo ako...

sobra na talaga akong nanghihina at feeling ko ano mang oras matutumba na ako, dahil nga sa wala pang laman ang tiyan ko.

"salamat, Miko."

malumanay kong sabi sa kanya. napansin kong agad syang nabigla sa sinabi ko at agad na ngumiti ng pagkalawak lawak sa akin.

"k-kilala mo ako?"hindi makapaniwalang tanong nya sa akin.

"oo naman, sino bang hindi makakakilala sa iyo? Star section at first honor ka hindi ba?" pilit na ngiting sabi ko sa kanya.

agad napalitan ng pagtataka yung expression ng mukha nya.

"wait lang umiyak ka ba?"

tanong nya sa akin habang sinusuri ang kabuuan ng mukha ko. kita ko sa mga mata nya ang pag-aalala, buti pa sya, kahit hindi ko sya ganoon ka kilala, nakakaramdam ako ng pag aalala nya... eh 'yun bang si Lazarus?... tsk.

"I-I have to go."

Sabi ko habang naka-tungo. Tatalikod na sana ako kaso agad nyang hinawakan ang balikat ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

"wala ka bang kasama?"

Tanong nya sa akin, umiling lang ako bilang sagot.

Napangiti sya sa sinabi ko.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon