IT'S YOU Chapter 13

32 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 13

Nathalie Kim's POV.

"Pretty! Wait lang!"

Napakunot noo nalang ako ng hindi ako pansinin ni Pretty at patuloy lang sya sa paglalakad papalayo sa amin ni Tim. Pupuntahan ko na sana sya ng hawakan ni Tim ang kaliwang braso ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Wait lang si Pretty!" Sabi ko pa.

"Hayaan mo na 'yun, sasabay sya kay Oscar ok? Wag mo na syang alalahanin kaya na nya sarili nya." Sagot nya.

Napasimangot nalang ako sa kanya. kahit nagaalangan ay sumama na din ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa canteen, nagorder sya at tulad nga ng sabi nya, nilibre nya ako.

"Salamat ha!"

Sabi ko kay Tim matapos ay nagsimula ng kumain.

"youre welcome."

"Ahh tim." Tawag ko sa kanya.

"yes?"

"Section 2 ka hindi ba? So. Ibig sabihin kilala mo si Jb?"

"Ah. J-Jb?...o-oo naman Kaibigan ko 'yun."

"talaga? magkwento ka naman tungkol sa kanya. mabait ba sya sa klase? Ano?" excited na tanong ko pa. pansin ko ang biglaang pagsimangot nya.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Ahh.. wala.. may naalala lang ako.."

"Ano naman yung naalala mo?"

Sinagot ako ni Tim sa tanong ko pero hindi ko na naintindihan pa ang sinabi nya dahil naagaw ng atensyon ko ang isang babaeng nakatingin sa akin hindi kalayuan sa inuupuan namin ni Tim. Tatlong table ang pagitan nya mula sa amin. Nakatalikod si Tim sa kanya dahilan para ako lang ang makakita sa kanya, malungkot ang kanyang expression habang nakatingin sa amin,para pa nga syang maiiyak. Mag isa lang sya doon sa table at tila pinagmamasdan ang bawat kilos naming dalawa. Kung hindi ako nagkakamali isa sya sa mga members ng The 5. Sya yung sinabi ni Pretty na Daffny ang pangalan.

Nakita ko na ang maaring naging dahilan kung bakit ganun ang ikinikilos nya. Ex sya ng kasama ko ngayon at maaring nagseseslos sya. Nakakailang ang tingin nya. matagal din ang pagtatama ng paningin namin sa isa't-isa hanggang ako nalang ang sumuko. Tumingin ako sa katapat kong si Tim na kanina pa pala nagsasalita habang nakatuon ang atensyon sa pagkain nya.

"mabait 'yun, loko-loko din sya katulad ni Oscar, pero tulad nga ng sabi ko sa 'yo huwag kang masyadong dumikit doon."

Seryosong usal nya habang pinagmamasdan ang pagkain sa plato nya habang nilalaro ng isang kamay nya ang mineral water.

may sinabi pa syang kasunod pero hindi ko na talaga nainitindihan iyon dahil hindi na talaga ako mapakali.

"CR lang ako. Babalik din agad ako ah? Kain ka lang dyan." Sabi ko sabay ngiti.

"ok sige. Balik ka agad ah?"

Tumayo na ako at agad na lumabas ng canteen papunta ng CR. Habang naglalakad ako papuntng CR, may nararamdaman akong parang may sumusunod sa akin. Pag lingon ko naman sa likod ay wala. Hindi ko nalang iyon pinansin at mabilis na tinungo ang CR.

Nasaan na kaya si Pretty ngayon? Totoo kayang sasabay sya kay Oscar? eh sa twing magkikita ang dalwang 'yun halos isumpa na nya ang lalaking ityon sa sobrang galit nya doon. Kaya malabong nasa Office sya. Hahanapin ko nalang sya pag katapos kong mag CR.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon