IT'S YOU Chapter 57

18 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 57

Maurice Roy's POV.

"BASTOS KA MANYAAAK!!! SINO KA SA TINGIN MO PARA HAWAKAN ANG DIBDIB KO HA?"

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. halos lahat ng tao sa paligid namin ay nabigla, may mga ilan pa ngang nagbulong-bulungan ngunit hindi ko nalamang sila pinagaksayahan ng oras para pansinin sila.

"H-HOY! HINDI KO HINAWAKAN ANG DIBDIB MO AH!" pagtatanggol ko naman sa aking sarili.

Hindi ko naman talaga intension na gawin ang bagay na iyon sa kanya.. pogi ako pero hindi ako manyak! Hindi ko talaga palalampasin ang sinabi nyang 'yun! Buong buhay ko hindi pa ako nasasabihan ng ganoon ah? Tsk. Tsk.

"HINDI BA SINABI MO NA GAWAN KO NG PARAAN PARA MATUYO ANG UNIFORM MO? EH 'DI BA GINAWAN KO NAMAN NG PARAAN? TAPOS SASAMPALIN MO PA AKO?"

Galit na sabi ko sa kanya.

"WALA AKONG PAKIALAM! BINASTOS MO PARIN AKO ALAM MO BA 'YUN? HA?"

"TEKA NGA! EH HINDI KO NAMAN HINAWAKAN AH? DINAMPIAN KO NG PANYO!"

"BASTOS KA! IYON ANG SABIHIN MO!" inis na sabi pa nya sa akin.

"ALAM MO MAGANDA KA NA SANA EH! SALBAHE KA NAMAN PALA! IMBIS NA MAGPASALAMAT KA NALANG DAHIL TINULUNGAN KITA NAGAGALIT KA PA!"

"EH KUNG TUMITINGIN KA KASI SA DAAN HINDI MANGYAYARI ITO! SIRA KA BA?"

"BAKIT? KUNG TUMITINGIN KA DIN NAMAN SA DINARAANAN MO HINDI MO AKO MABUBUNGGO! KASALANAN MO DIN!"

"KASALANAN KO PA NGAYON? HA?"

"OO KASALANAN MO!" sigaw ko mismo sa mukha nya.

"AAAAAWWWWWWWW!!!"

Malakas na sigaw ko ng bigla nyang apakan yung kanang paa ko ng sobrang lakas at buong pwersa.

"JEERRK!"

Sigaw nya sa mukha ko sabay walk out papalabas ng canteen. Halos lahat ng mga estudyanteng nanonood kanina ay bumalik na sa kani-kanilang mga ginagawa.

Agad namang lumapit sa akin si Pretty at Miko na nakabalik nap ala galing CR.

"ok ka lang? masakit ba yung paa mo?" nagaalalang sabi ni Pretty habang chi-ne-check yung paa ko.

"hindi ko mailakad ng maayos." Sabi ko habang iniinda parin yung sakit.

"let me help you." Nagaalalang sabi naman ni Miko habang inaalalayan akong maglakad pabalik sa table namin.

"sino ba yung babae na 'yun? Kala mo naman kung sinong maganda! Tsk." Real talk maganda sya.. Naiinis na sabi ko pa.

"Si Michelle 'yun.. section III ano ba kasi yung ginawa mo at nagalit sya ng ganun?" sabi pa ni Pretty habang pinupunasan yung damit ko na natapunan din ng spaghetti sauce.

"nabangga ko sya.. natapunan sya tapos sabi nya wala daw syang pamalit kaya gumawa daw ako ng paraan para matuyo yung damit nya." inis na paliwanag ko.

"anong sabi mo?" sabi naman ni Miko na nakaupo sa tabi ko.

"wala.. pinunasan ko yung damit nya tapos biglang BOOM! Sinampal nya ako sa magkabilang pisngi ko ng sobrang lakas at sobrang saket."

"saang banda mo ba kasi pinunasan ha?" tanong ni Pretty na ngayon ay nakaupo na.

"sa... ahm... sa dibdib nya.." napapakamot sa ulong sabi ko pa.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon