IT'S YOU Chapter 64

16 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 64

(PAALALA AT PAUNAWA, may mga maseselang karahasan sa Kabanatang ito.. hindi ko po pinapayuhan ang bawat isa na gayahin ang mababasa nyo ^_^. Maraming salamat!)

Nathalie kim's POV.

Napalitan ng matinding galit ang buong sistema ko. nahinto ako sa paghikbi at pagiyak. Isang matalim na titig ang ibinigay ko sa kanya kaya naman napaatras sya ng bahagya at natigil sa paghawak sa aking baba.

"ako ang kailangan mo at hindi ang pamilya ko. 'wag ka ng mangdamay pa ng iba."

Tumawa lang syang muli habang tumatayo. Nagtungo sya sa lamesa at uminom saglit ng isang bote ng alak at tumingin sa akin.

"sorry, hindi ko na kayang baguhin pa ang desisyon ko. final na 'yun. Actually uunahin ko ang kapatid mong si Darius, papunta na sya sa mga oras na ito." natatawa-tawa pa nyang sabi sa akin.

"huwag mo ng idamay ang pamilya ko. kahit ako nalang. Sino ka ba talaga? hindi mo ba pwedeng sabihin sa akin kung ano ang kailangan mo sa akin? ano ba talaga ang naging atraso ko sa iyo at bakit kailangan pang umabot sa ganito ang lahat?"

Hindi sya nagsalita at tumalikod lamang sa akin. kaharap nya ngayon ang isang bintana habang hawak – hawak ang isang bote ng alak.

"sagutin mo ang tanong ko. sino ka ba talaga?"

"ang plano ko ay mananatiling lihim ko. sa tingin ko ay hindi ko nalang dapat ipaalam sa iyo kung bakit kita pinahihirapan ng ganito. At hindi na mahalaga pa kung sino at ano ang pagkatao ko."

"nagmamakaawa ako, gusto kong sabihin mo sa akin kung sino ka at bakit mo ginagawa sa akin ang bagay na ito."

Muli nanamang dumaloy ang mga luha mula sa mga mata ko. balak nyang patayin ang buong pamilya ko at pati narin ako? ganoon ba talaga ka-tindi ang atraso ko sa isang ito kaya kailangan pang umabot sa patayan? Nababaliw na sya! Kung ano man ang naging dahilan nya... maaaring hindi ito ganoon kababaw. At 'yun ay kailangan kong alamin.

Tumingin sya sa akin. Inilingon nya ang kanyang ulo sa akin.

"tulad ng sabi ko... ang plano ko... ay mananatiling lihim ko." seryoso ang kanyang pananalita na nagpatayo ng mga balahibo ko sa braso. Sobrang nakakatakot ang nilalang na ito.

May nag-vibrate na cellphone sa lamesa kaya naman sabay kaming napalingon doon. Nagmamadali nyang kinuha ang cellphone na maaaring sa kanya at agad na lumabas ng kwarto. Sinara nya ang pinto hanggang sa nanatiling ako nalamang ang natira sa loob ng isang malaki at madilim na kwartong ito.

Nangibabaw ang katahimikan. Tanging ang mga huni ng crickets at mga gamu-gamo ang naririnig ko mula sa labas. Masyadong maliwanag ang buwan dahilan para tumagos ang liwanag nito sa mga bitanang bukas. Mahangin din sa labas kaya naman sumasayaw ang mga puting kurtina sa bintana dala ng malakas na hangin.

Napapikit nalamang ako habang nagiisip. Iniisip ko palang na mawawala ang buong pamilya ko ay naiiyak na ako. sa Ganitong paraan nalamang ba matatapos ang lahat? ganon ganon nalang ba ako mamamatay?

Nakarinig ako ng yabag ng tao na nagmula sa isang sulok ng kwarto. Halos mapalunok ako sa takot habang inaaninag ang kung sino man na naglikha ng tunog na iyon. Papalapit ng papalapit ang tunog hanggang sa may lumabas na tao mula sa hangganan ng dilim, malapit na sya sa ilaw kaya naman natanaw ko na ang kabuuan nito.

Halos mapanganga ako at nanlaki ang aking mga mata ng Makita kung sino ang taong iyon.

"a-ate?" agad syang tumakbo papalapit sa akin at agad na kinalas ang gapos na nasa kamay ko. umiiyak sya habang ginagawa iyon.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon