IT'S YOU Chapter 48

15 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 48

John Oscar's POV.

"Hubadin mo yung--..."

Hindi na ako nakatapos pa sa sasabihin ko ng batukalin nya ako ng sapatos ko na naihagis ko lang sa kung saan.. tumama 'yun sa noo ko kaya napaupo ako sa kama sa sobrang sakit..

"ARAAAYYY.." nasigaw ko nalang habang hawak yung noo ko.. natanaw ko naman sya na biglang nagpanic... lumingon lingon pa sa paligid pagkatapos ay nagpunta sa akin at tumingin ng malapit sa mukha ko.. parang biglang nawala yung sakit na naramdaman ko sa noo ko..

"S-sorry.. sorry ah?.. i-ikaw kasi eh.. bakit mo naman kasi ako pinaghuhubad?.."

Napakunot noo akong tumingin sa kanya habang natatawa tawa pa...

Gets ko na.. akala nya pinaghuhubad ko sya.. 'di man lang kasi ako pinapatapos eh.. mga babae talaga kung minsan...

"a-anong nakakatuwa dun?" Halatang naiilang nyang sagot..

"ikaw kasi.. hindi mo man lang ako pinapatapos magsalita... ang sabi ko.. hubarin mo yung sapatos mo at tumabi ka sa akin sa paghiga dito sa kama."

Turo ko pa yung kama ko.

Pinukpok naman nya ako ng sapatos ko na binalibag nya sa akin kanina.. duon din sa part ng noo ko na natamaan nya kanina.

"ARAAAAYY..."

Pwera biro ang sakit talaga..

"s-sorry.. bakit mo naman kasi ako pinatatabi sa kama mo?... baliw ka ba? Ano sa tingin mo yung gusto mong gawin natin dyan sa kama mo ha?"

"m-maguusap... gusto ko lang naman na magusap tayo eh.."

"ang daming lugar kung saan tayo pwedeng magusap Oscar!.. sa kama mo pa?"

"ano ba kasi yung kinakatakot mo?"

"na.....ahm... l-lalaki ka... tapos.. ano.. babae ako.."

"oh eh ano naman ngayon kung lalaki ako at babae ka?.. 'wag mo nga akong pagisipan ng masama.. hindi ako ganoong klase ng lalaki tulad ng iniisip mo.." Binigyan nya lang ako ng expression na parang hindi makapaniwala..

"ikaw pa? Play boy ka kaya."

"awwtss.. hindi ako play boy!.. malapit lang talaga ako sa mga babae... tsaka alam mo naman kung sino lang yung kaisa-isahang babae na gusto ko 'di ba?.. kaya 'wag mo na akong pagdudahan bago pa kita mahalay dyan.."

Napahinto sya sa sinabi ko at umiwas ng tingin... natuwa nalang ako sa naging reaksyon nya... agad kong iniabot yung kamay nya at hinila para mapahiga sa kama ko.. ng makahiga kami ay agad ko syang niyakap at ikinulong sa mga bisig ko... yung mga kamay nya nasa dibdib ko habang yung ulo nya nasa gilid ng leeg ko..

[PLEASE PLAY SAY YES BY: SEVENTEEN (IT'S YOU OST PART 9) FOR THIS PART]

"iyak na.."

Sabi ko sa kanya.. gusto nya yatang tumutol sa mga ginagawa ko sa kanya ngayon pero ng sabihin ko 'yun sa kanya ay natahimik sya..

Maya maya lang ay narinig ko pa ang pag hikbi-hikbi nya at pag sniff-sniff.. umiiyak na nga sya.. iniangat nya yung ulo nya at hinarap ako.. ang lapit namin sa isa't isa..

"s-salamat ahh.."

Napangiti nalang ako sa sinabi nya.

"para saan?"

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon