IT'S YOU Chapter 93

16 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 93

Prince Lazarus's POV.

[PLEASE PLAY HOW DO I SAY IT? BY: O.WHEN (IT'S YOU OST PART 11) FOR THIS PART (Suspicious Partner 2017 kdrama ost pt.2)]

"Oy. Pretty Sorry, di ako nakapaghpaalam sa 'yo.. hindi ako makakauwi ngayon.. kasama ko si Lazarus eh."

Sa pagmulat ko ng aking mata ay agad akong napangiti sa naririnig kong boses. Kahit hindi ko pa sya nakikita ay alam kong sya na iyon. Agad kong hinanap kung saan nanggagaling ang dereksyon ng boses, lumingon ako sa aking kaliwa at nakita kong nakatalikod si Alie sa dereksyon ko. napangiti ako ng Makita sya.

Pinilit kong tumayo ngunit sobrang sakit ng ulo ko, ang init init ng aking pakiramdam, sinisipon pa ako... dala lang ba ito ng sobrang paglalasing ko? o talagang may sakit ako.

"sige.. ako na ang bahala doon."

Napansin kong iba na ang damit ko, nakasuot ako ngayon ng isang kulay yellow na sweater at running pants naman sa ibaba. Sa huli kong pagkakatanda ay nakasuot pa ako ng uniform.

Napangiti ako ng may pumasok na idea sa aking isipan na posibleng nangyari.

Si Alie kaya ang nagpalit sa akin? Kahit sobrang sakit ng ulo ko ay nagawa ko pa rin na mapangiti, hindi dahil sa gusto ko yung idea na nakita nya yung katawan ko pero, nagawa parin nyang puntahan ako dito at alagaan ako ng ganito kahit ang laki ng kasalanang nagawa ko sa kanya.

Pinilit ko paring bumangon mula sa pagkakahiga at naglakad papalapit kay Alie, tapos na nyang kausapin yung kausap nya mula sa kabilang linya kaya naman napaharap sya sa dereksyon ko, sakto namang huminto ako sa harap nya at kaunting distansya lamang ang layo namin sa isa't-isa.

Hidi ko alam kung bakit sa kabila ng sitwasyon ko na sobrang sakit ng ulo ko ay nagawa ko pang matigilan at mamangha sa nakikita ko ngayon sa aking harap. Naglaho ang lahat at tanging si Alie lamang ang nakikita ko, napakaganda nyang tingnan, napatingin ako sa kanyang labi na natural ang pula.

Mabilis akong na-temp. hindi ko na napigilan ang aking sarili, lumapit pa ako sa kanya.. inches nalamang ang pagitan namin sa isa't-isa.. inilapit ko ang aking mukha sa kanya matapos ay marahan at soft ko syang hinalikan.

Napaka-lambot parin ng labi nya.. tandang tanda ko parin nung huli ko syang halikan. Malambot parin tulad ngayon.

May narinig akong may kumakatok mula sa pinto ngunit hindi iyon naging dahilan para huminto ako sa aking ginagawa, sinubukan nyang humiwalay sa akin ngunit mas inilapit ko pa ang kanyang katawan sa akin.

Nakita ko sa aking peripheral vision na bumukas ang pinto. Isang silhouette ng lalaki ang naaninag ko. pinalo ako ni Alie kaya naman napahiwalay ako sa kanya, sabay kaming lumingon sa lalaking nasa tapat ng pinto.

"E-Excuse me Ma'am.. Sir.. heto na po yung pagkain na pina-deliver nyo." Halatang nagpipigil ng tawa na sabi ng Lalaki na staff yata ng motel.

Gusto yatang sumagot ni Alie ngunit hindi nya magawa dahil mukhang nabigla sya sa ginawa ko.

"ah.. ah.. hahaha i-iwan ko nalang po dito, s-sige... ituloy nyo na po yung g-ginagawa ninyo." Nauutal at Natatawang sabi pa nya sa aming dalawa.

Ibinaba nya yung pagkain sa center table matapos ay nagmamadaling lumabas ng kwarto at sinarado ang pinto.

Napatingin ako kay Alie, muli kong naramdaman yung sobrang sakit ng aking ulo, napakunot noo ako at napahawak sa aking ulo. "a-ahh. Aray." Muntik na akong ma-out balance dahil sa sobrang sakit ng aking ulo. agad na kumilos si Alie para alalayan ako, napasubsob ako sa kanyang balikat.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon