IT'S YOU Chapter 111

17 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 111

Tim Tim's POV.

[PLEASE PLAY IT'S YOU BY: HENRY *super junior (IT'S YOU OST PART 1) FOR THIS PART (while you we're sleeping 2017 kdrama ost pt.2)]

Binitawan ko ang isa nyang kamay at niyaya ko syang lumapit sa railings ng yacht. Ng tuluyan kaming makalapit sa railings ay hinarap ko sya sa harapan ng dagat upang Makita nya kung gaano kaganda ang view matapos ay marahan ko syang inakbayan.

"sa ngayon i-enjoy muna natin yung view habang niluluto pa ng mga chef yung pagkain natin.. gutom ka na ba? sabihin molang at pabibilisan ko ang pagluluto nila."

"a-ang ibig mo bang sabihin... dito tayo magdi-diner?" napapaharap na tanong nya sa akin.

"naisip ko kasi na mas magigig romantic kung dito tayo kakain hindi ba?"

Muli nyang hinarap ang karagatan.

"ikaw ha, masyado mo ng na-flutter ang puso ko... sa ginagawa mong 'yan m-mas lalo tuloy akong nai-in-love sa iyo." Napatingin sya sa akin at ngumiti. "alam mo Tim, never kong nakita yung ganitong side ng pagkatao mo, ganito ka pala pag in-love no? sobrang sweet, ang daming surprises at mga pakulo, lahat kayang gawin basta natamaan. Hindi naman ako naghangad ng ganitong klase ng boyfriend... pero mapalad parin ako dahil muling dumating ang isang katulad mo sa buhay ko, wala ng mas sasaya pa doon."

Napakagat labi sya. May mga namuong luha sa kanyang mga mata dahilan para iharap ko sya sa akin. Mukhang pinipigilan nyang maiyak.

"oh? Bakit ka naman ganyan? dinala kita dito dahil gusto ko na puro masasayang alaala lang yung gawin natin, hindi ko gustong umiiyak ka." ang sabi ko pa habang hinahawi ang mga takas na buhok nito at inilalagay sa likod ng kanyang tenga.

"ano ka ba? Tears of joy 'to." Muli syang tumingin sa karagatan at hinawak ang mga kamay sa railings ng yacht.

Humarap din ako sa karagatan at nagcross arms.

"meron akong isang nabasang native American proverb, it says that if you repeat a wish more than 10,000 times, magiging totoo ang wish mong iyon." Nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ang maliliit na alon sa karagatan. Napatingin sya sa akin. Nanatili ang aking mga tingin sa karagatan.

"isang native American proverb? Sino naman ang taong magaabalang magakasaya ng panahon para sambitin ang wish nya na more than 10'000 times?" kunot noong tanong nya. tumigin ako sa kanya.

"ako." simpleng sagot ko sa kanya.

"i-ikaw? Kung ganun.... Ano naman ang hiniling mo?" takang tanog nya sa akin.

Muli kong ibinalik ang tingin sa karagatan. "hiniling ko na... maging boyfriend mo ako... paulit-ulit ko iyong sinabi hanggang sa umabot ako sa mahigit 10'000 times." napapa shrug na sabi ko pa. nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"nung mga panahong nasa States ako at nagpapagaling, hindi ko maintindihan ang sarili ko nun at sobrang gulong gulo ako sa aking nararamdaman. Kasi imbis na si Alie ang iniisip ko sa mga oras na iyon, ikaw yung pumapasok sa isip ko.. kahit anong gawin ko.." tumingin ako sa kanya. "hindi kita maialis sa isipan ko." pinatong ko ang aking kanang siko at humarap sa kanya. nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"nagdaan ang mga araw at lumipas ang panahon bago ko tuluyang marealized ang nararamdaman ko para sa iyo. Hindi ko expected na marerealized ko ang katotohanan sa isang unexpected na pagkakataon.... Doon ako nagsimulang mangulekta ng mga pictures mo sa social media accounts mo nung nasa States ako. buong araw kong hinihintay yung bago mong posts sa facebook at instagram mo tapos sinisave ko iyon sa cellphone ko at kapag wala akong magawa o hindi makatulog ay pinagmamasdan ko lang iyon." napakagat labi ako ng makitang mapakunot noo sya habang nakangiti. Mukhang alam ko na kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon