IT'S YOU Chapter 8

36 2 0
                                    

IT'S YOU Chapter 8

Nathalie Kim's POV.

"ako si Tim. Tim Tim Castro." Nakangiti nyang sabi.

So hindi sya si Lazarus? Sayang. Nag aksaya lang ako ng oras. Wala naman pala yung taong hinahanap ko dito.

"ah. ganun ba? S-sige ha? alis na ako."

Amba na akong aalis ng hawakan nya yung kanang braso ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"bakit hinahanap mo si Lazarus?"

Naka-kunot noo at interesado nyang tanong sa akin.

Wala akong maisip na pwedeng idahilan sa kanya. Kaya hindi agad ako naka-response sa tanong nya.

"May... kailangan lang ako sa kanya."

Naisip ko nalang na dahilan. Binawan nya ang kanang braso ko at nagcross arms sya sa harap ko.

"nasa dance hall sya ngayon, may meeting kasi yung members ng mga dance crew ngayon."

"ahh. Salamat sa impormasyon ha? Ge. Alis na ako?"

"Wait." Pigil nya sa 'kin.

"uuwi ka na?"

tumango ako bilang sagot.

"pwede bang... samahan mo muna ako dito?"

Napa-kunot-noo nalang ako sa kanya.

"bakit?"

"wala lang. gusto lang kitang makausap. Pwede ba?"

Napapayag din naman nya akong samahan sya dito sa rooftop. Umupo kami at sumandal sa railings sa rooftop.

Medyo mahangin dito dahilan para hanginin ang buhok ko. Tahimik din, masarap pang pagmasdan yung langit, parang kapag nandito ka mawawala yung stress mo, makakalimutan mo pansamantala yung mga problema mo, yung mga iniisip mo, tsaka kung ano man yung gumugulo sa utak mo. Siguro mapapadalas na din ang pagtambay ko dito sa rooftop.

"Nathalie ang pangalan mo hindi ba?"

"Alie nalang."

Sabi ko sabay ngiti habang inilalagay ko sa likod ng kaliwang tenga ko ang takas na buhok na kanina pa nakaharang sa mga mata ko.

"teka.. paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Nagtatakang tanong ko.

"haha. Sa ganda mo ba naman na 'yan. Hindi ko malalaman?"

Natawa nalang din ako sa sinabi nya. Napansin kong medyo lumapit sya sa akin, wala na ngayong space sa amin. Mag katabing magkatabi na kami ngayon na nakaupo, bahagya pa nyang inilapit yung mukha nya sa akin kaya napatingin ako bigla sa kanya.

"ang ganda ganda mo talaga."

Sabi nya habang nakangiti ng napakalawak.

May itsura sya kung sa tutuusin, cute sya kahit saang anggulo kong tinggnan, kulay brown yung buhok nya na medyo magulo yung style nito, may kahabaan 'yun na lagpas na sa kilay nya, singkit yung mga mata, maputi.

Biglang nawala yung napakalawak na ngiti nya, naka tingin lang sya sa akin ng seryoso, deretso sa mga mata ko. Medyo inilayo ko yung mukha ko sa kanya kaya inilapit pa nyang muli yung mukha nya.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon