IT'S YOU Chapter 114

11 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 114

Prince Lazarus's POV.

Nagdaan na din ang Christmas vacation... hindi parin kami naguusap ni Alie.. matapos mangyari ang gabing iyon ay halos isang linggo ko syang sinuyo, paulit-ulit na tinext at tinawagan ngunit ni-isa ay wala syang sinagot, lagi ko din syang pinupuntahan sa classroom nila at binibisita sa bahay nila Pretty ngunit wala paring nangyari, paulit-ulit nya akong pinagtatabuyan at iniiwasan.

Sa tuwing naiisip ko sya ay hindi ko maiwasang muling masaktan at maiyak. Yung sakit na naramdaman ko nung gabing iwan nya ako sa park ay sariwang sariwa parin sa akin hanggang ngayon.

Sa ngayon ay huminto na ako sa paghingi ng tawad kay Alie, wala ng text at tawag, wala ng pagbisita sa kanilang classroom at pag punta sa bahay nila Pretty upang kumustahin sya... hindi ko alam kung ano ang kahahantungan ng paghinto kong ito.

Mahal ko si Alie at ayokong sumuko kung maaari. Pero sa ginagawa nyang ito ay mas lalo lang nyang nilalayo ang loob nya sa akin. Para bang pinauunawa nya sa akin na talagang wala na kaming dalawa at kailan man ay hindi na maaayos pa ang relasyon namin.

Hindi ko kayang maging Masaya ng walang Alie sa buhay ko.

Halos mahulog ako sa kama na kinauupuan ko ng may biglang tumapik sa aking balikat mula sa aking likuran. Napasigaw pa ako at nabitawan ang unan na yakap yakap ko.

Agad akong lumingon sa taong nanggulat sa akin at inis syang tiningnan.

"Ate! Bakit ka ba nanggugulat? Ha? Ano nanamang klaseng trip 'yan? Alam mo namang horror ang pinanonood ko 'di ba?" galit na sabi ko habang tumatayo. Mas lalo akong nainis ng tawann lang nya ako.

Tumingin sya sa screen ng TV at napatango ng makumpirma na Horror nga ang genre nang movie na pinanonood ko sa aking kwarto.

"oo nga. Horror." Tapos tumingin sya sa mukha ko habang umuupo. "eh bakit ka umiiyak kung horror yang pinanonood mo?"

Nahinto ako at nanlalaki ang mga matang tumigin sa salamin. Daig ko pa ang sabog! Halos mabasa ang kabuuan ng magkabila kong mga pisngi dahil sa pagtulo ng aking mga luha. Nagmamadali kong pinunasan ito at tumabi sa kinauupuan ng ate ko.

"bakit ka umiiyak?" muli pa nyang tanong.

"w-wala! W-wala ka na dun." Kunwaring inis na sabi ko pa habang binabalik ang atensyon sa pinanonood.

"'to talagang bata na 'to. Matulog ka na nga! Tapos na ang Christmas at new year di ka na pwedeng magpuyat dahil papasok na kayo bukas."

"h-hindi na ako papasok bukas! Hindi na ako magaaral!" napapatingin na sabi ko pa sa kanya.

"naka drugs ka ba?" inis na tanong nya sa akin.

"magaasawa na nga ako 'di ba? Bakit pa ako magaaral? Kuha mo yung logic?" inis na sabi ko pa sa kanya habang may pa-hand gestures pa.

Natigian sya at mukhang naisip pa sa sinabi ko.. sumandal sya sa head border ng aking kama at tinuon ang atensyon sa TV.

"umalis ka na nga dito sa kwarto ko. nakakaabala ka! wala bang pasyente ang nangangailangan sa 'yo dun sa Hospital? Dun ka nalang!" ang sabi ko pa habang tinutulak sya. inis nyang pinalo ang aking mga kamay dahilan para lumayo ako sa kanya at mapasandal sa headboard.

Bumalik sya sa pagkakasandal at nagcross arms habang tumitingin sa akin.

"mukhang alam ko na kung bakit ka umiiyak kahit A quite place ang pinanonood mo."

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon