IT'S YOU Chapter 118

13 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 118

Ron Davis's POV.

"huwag kang magexpect na mauunawaan kita... dahil simula pa lang ikaw na ang mali. Hindi ko sinabing gustuhin mo ako.. dahil sa pagiging desperado mo ay iyan ang napala mo. bahala ka sa buhay mo! galit ako sa 'yo! Sinira mo ako... sinira mo yung pagmamahalan namin ni Candice para sa isa't-isa. Hinding hindi kita mapapatawad!" galit na sigaw ko pa sa kanya.

"R-Ron." Umiiyak na usal nito sa aking pangalan habang yumayakap sa akin. Galit ko syang tinulak papalayo sa akin at binuksan ang pinto matapos ay lumabas na ng aking Condo.

Bumaba ako ng parking Lot at sumakay sa aking kotse.. patuloy parin ako sa pagluha habang nagd-drive ng kotse.

Muli kong denial ang number ni Candice sa aking cellphone. Katulad ng dati ay halos makailang ring na ito ngunit hindi parin nya sinasagot. Galit akong napasigaw sa loob ng aking kotse habang nagd-drive. Halos pags-suntukin ko ang manibela ng aking kotse sa galit. At kahit ginawa ko ang mga bagay na iyon ay alam kong hindi makakabawas ng tindi ng galit na nararamdaman ko.

Mas binilisan ko pa ng pagpapatakbo ng aking kotse hanggang sa makarating ng Gangnam servaliance hospital. Ng maipark ko ang aking kotse ay nagmamadali akong naglakad papsok ng Hospital.

Patuloy parin sa pagpatak ang mga luha mula sa aking mga mata.

Agad kong hinanap ang opisina ni Candice. Takbo at lakad ang ginawa ko habang lumilinga linga sa kung saan... umaasang makikita si Candice at makausap ng maayos.

Hanggang sa may nakapagsabi sa akin na nasa cafeteria sya ngayon kasama ng kanyang mga kaibigan at kasalukuyang kumakain. Hindi na ako nagdalawang isip pa na tumakbo papunta doon.

Hanggang sa makapasok ako ng cafeteria. Tama ang nakapagsabi sa akin. Kasalukuyan syang nakaupo kasama ang kanyang mga kabarkada sa iisang table habang nagtatawanan at kasalukuyang nagk-kwentuhan.

Halos maluha ako habang lumalapit sa kanya. tinatagan ko ang aking sarili at pinilit na kumalma.

"C-Candice." Tawag ko sa kanya.

Napalingon silang lahat sa akin... si Ajax, Camille at Nixon lamang ang kasama nya sa table.

Agad na tumayo si Ajax at humarang sa aming dalawa ni Candice. At dahil humarng si Ajax ay hindi ko na nakita ang mukha ni Candice. Kinailangan ko pang i-move ang aking ulo para Makita sya.

"Candice." Muling tawag ko sa kanyang pangalan ng makita ko ang kanyang mukha. Nakatingin sya sa akin ngunit agad ding nagiwa ng kanyang tingin.

Ang kaninang Masaya nyang expression ay mabilis na napalitan ng lungkot.

"Candice..n-nandito na ako.. makipagusap ka naman sakin oh?" naluluhang sabi ko habang pilit na inaabot ng tingin ang kanyang mukha.

Ngunit dahil nakaharang si Ajax ay hindi ko makitang mabuti si Candice.. kung saan ako lilingon ay ihaharang nya ang kanyang sarili upang hindi ko sya Makita kaya naman tiningnan ko sya ng masama.

"paraanin mo ako.. kailangan kong makausap si Candice." Seryosong sabi ko pa sa kanya.

Hindi makapaniwalang natawa lamang sya habang hinihimas ang baba at nakatingin sa ibang dereksyon. Pairap syang tumingin sa akin at tumingin din ng masama.

"Bro.. hindi ba parang ang kapal naman ng mukha mo na magpakita pa dito at sadyain si Candice? Mahiya ka naman! Kahit para nalang sa kanya." mahinahon ngunit may galit sa tono ng pananalita na sabi nya.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon