IT'S YOU Chapter 17

19 0 0
                                    

IT'S YOU Chapter 17

Princess Candice's POV.

"ang sarap mo talagang pagmasdan!"

Hindi ko nakikita ang reaksyon nya habang sinasabi ang mga salitang iyon dahil naka focus ako sa daan. Sa kabila ng nangyayari sa kanya nakukuha pa nya ang maging ganyan.

Naging mabilis lang ang pagpunta namin sa Hospital. Agad akong bumaba sa kotse.

Isinakay sya ng mga nurse sa trolley bed at mabilis syang idinala sa Emergency Room. Papasok n asana ako sa loob ng emergency room ngunit nakita ako ni Amber.

"anong nangyari sa pasyente—"

Napahinto si Doc ng Makita ako.

"bakit ngayon ka lang? napapadalas yata ang pagiging late mo?"

Inis na sabi nito sa akin.

"Doc. Hindi ito ang tamang oras para sitahin mo ako. May pasente na naghihintay sa iyo sa ER." Sya lang kasi ang alam kong available na Doctor na pwedeng tumulong sa pagaasikaso kay Ron na nasa loob ng ER.

Pinilit kong maging magalang sa kanya. kahit nagagalit na ako ay mas minabuti kong pakalmahin nalang ang sarili at magsalita ng maayos.

Inirapan lang nya ako at nagmamadaling pumasok sa Emergency Room. Sumunod ako sa kanya.

"R-RON?"

Gulat na sabi nito ng makita si Ron na nakahiga sa kama at halatang iniinda pa ang sakit. Nagmadali syang nagtungo kay Ron at inasikaso kaagad. kasama nya ang dalawang nurse na nag aasist sa kanya.

Hindi na dapat ako nandidito. Ano pa nga ba ang ginagawa ko dito? Sa twing nakikita ko silang dalawa na magkasama kahit ayokong isipin pilit ko paring naaalala yung nangyari sa aming tatlo noon. Kay Amber, Ron at sa akin.

Kahit patuloy parin ako sa pagaalala kay Ron ay mas pinili ko nalang lumabas sa ER. Hindi ko kayang makita na nasasaktan si Ron. Aaminin ko na may kasalanan ako sa nangyari. Pero ang ikinaiinis ko, bakit kailangan pa akong makaramdam ng awa sa kanya? pinilit ko nalang na ialis sa isipan ang mga iniisip ko at nagtrabaho nalang ngunit kahit saan ko ibaling ang atensyon ko ay hindi ko parin maiwasang isipin sya. Kumusta na kaya sya? Sana ay minor injuries lang ang natamo nya. gusto ko syang puntahan, gusto ko syang kumustahin. pero ayoko ng bigyan pa sya ng dahilan para magisip ng kung ano ano.

Lumipas ang 4 na oras, kakatapos ko lang mag assist sa isang surgery na ginanap sa operating room. Isa kasi ako sa mga Anesthesiologist na nagt-trabaho sa Hospital namin. Heto ang pinili kong major dahil mas nageenjoy naman ako dito.

"buti nalang at naging successful ang operation. Ang galing talaga ng surgeon natin."

Bilib na sabi ni Camille sa katabi namin na isang matangkad na lalaki. Si Ajax Villonez. Isa sya sa pinakamagaling na cardiac surgeons dito sa Hospital. at... nanliligaw sa akin 3 years na. simula ng mag break kami ni Ron, nagsimula na syang manligaw sa akin. 27 years old na sya, isa sa mga madalas na pinagkakaguluhan 'yan dito ng mga babaeng nurse dahil bukod sa sobrang gwapo nito ay single pa. mabait naman sya actually, nag eenjoy akong kasama sya dahil magaling syang makisama at napaka sociable nyang tao, hindi sya mahiyain, palabiro, at mabuting tao. Marami nga ang naiinis sa akin kung bakit hindi ko pa sya sinasagot dahil kung sa tutuusin ay mabait na nga, gwapo pa.

isa lang kasi ang sagot dyan. Hindi pa ako nakaka move on sa pass ko. Iba kasi talaga kapag si Ron ang Boyfriend ko. Pero simula nga ng may nangyari sa kanila ni Amber ay wala na akong nagawa.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon