ITS YOU Chapter 121

14 1 0
                                    

ITS YOU Chapter 121

Cassandra Kate's POV.

Napabuntong hininga si Lazarus kaya naman naagaw sya ng aking pansin.

"ok ka lang ba?" tanong ko pa sa kanya. nasa giid namin si Kei at si Tim na naguusap.

Tumingin sya sa akin at umiling. "h-hindi ko yata kayang iwan nalang si Alie nang ganun ganun nalang. Lagi ko nalang syang naiisip. Sabihin mo nga kung paano at anong himala ang dapat na mangyari para makalimutan ko sya? Kasi habang mas tumatagal mas nahihirapan ako.." frustrated na sabi pa nya.

Tinapik ko sya sa kanyang balikat. "naiintindihan kita, pero sana naman huwag mong masyadong ini-stress ang sarili mo.. tingnan mo si Tim.. mas malala ang naging pasanin ni Tim kaysa sa iyo.. pero ngayon ok na sya, huwag kang mawalan ng pag-asa. Magiging ok ka din." Cross arms na sabi ko pa sa kanya.

Bumagsak ang balikat nya. "miss ko na sya. Sa tuwing pinapaalala ng lahat na kailangan ko nang kalimutan sya ay mas lalo akong nasasaktan. Hindi ko alam kung kaya ko pang makalimot." Nakasimangot pang sabi nya

"gawin mo nalang 'to para kay Alie ok?" nasabi ko nalamang dahil kahit ako ay hindi alam kung paano sya ik-comfort sa mga oras na ito.

"nga pala... alam mo naman na siguro yung nangyari tungkol sa agreement ng family ko sa family nyo hindi ba?" pagiiba ko ng topic.

Kumunot ang kanyang noo. "huh? Tungkol sa agreement? You mean yung kasal natin? Oh bakit? anong latest?" taas kilay na tanong nya.

Halos manlaki ang aking mga mata. "hindi mo pa alam? Bakit hindi sinasabi ng Mommy mo sa 'yo?" takang tanong ko pa.

Magtatanong sana syang muli ngunit naagaw ang atensyon naming dalawa dahil sa sinabi ni Kei.

"oh? Iyan na pala sila ate Alie." Nakangiting sabi pa nya.

Lahat kami ay napatingin sa pathway na may red carpet papasok sa entrance ng gymnasium. Nakita naming kasalukuyang bumababa ng kotse sila Pretty, Darius at Nathalie.

Si Pretty ay nakasuot ng isang suspender skirt long dress na retro style at ang haba ay hanggang binti, long sleeve ang pangloob nyang suot sa pangitaas. Nakalugay ang mahaba nyang buhok.

Si Darius naman ay binatang-binata ang itsura sa gabing ito dahil sa looks at porma nya. kulay blue ang suot nitong polo shirt na napapatungan ng Jacquard Stripe O-Neck Sweater na kulay black and white ang stripes at black pants ang pang ibaba.

Si Nathalie naman na kanina pa tinititigan ni Lazarus ay talagang nag stand out din dahil sa kanyang suot na lace party slim dress at black skirt sa pangibaba na 2-3 inches below the knee ang haba. Nakalugay ang mahaba at blonde nyang buhok, pantay ang ayos ng kanyang bangs at may light na make up. May suot syang heels na kulay black ngunit hindi masyadong pointed.

Siniko ko si Lazarus upang bumalik sa katinuan ng makalapit sa amin ng tuluyan ang tatlo.

"woah! Ang ganda mo." hindi makapaniwalang sabi ni Darius kay Kei.

Lumapit sa kanya si Kei at nagusap silang dalawa. Si Tim naman ay lumapit kay Pretty at Alie hindi kalayuan sa aming dalawa ni Lazarus.

"wow!? Look who's here? Tim ikaw na ba 'yan? Ang taba mo! hindi ka na macho." Natatawang sabi pa sa kanya ni Pretty.

"m-malaki ba talaga ang tinaba ko?" nagw-worry na sabi pa ni Tim habang humahawak sa magkabilang pisngi nya. chini-check siguro kung mas tumaba ba ang mga 'yun.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon