IT'S YOU Chapter 79

15 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 79

Andrea Nicole's POV.

"Minsan lang ako manlibre, kaya dapat tanggapin mo. Ok?"

Tumango lamang ako bilang tugon habang nakasimangot.

"pero kasi sa susunod 'wag mo na itong gagawin. bukod sa nakakahiya, ayoko ng nililibre. Ayokong issipin ng iba na nakakaawa ako."

Natawa naman sya ng bahagya sa sinabi ko.

"alam mo hindi naman malaking bagay ang rason mo para hindi ka ilibre. Hindi big deal." Natatawa pang sabi nya.

Nahinto sya sa pagtawa ng Makita si Cassandra na nakaupo sa isang table malapit sa entrance ng canteen. Magisa ito habang nagbabasa ng libro at may nakalagay na softdrinks sa ibabaw ng table nito kung saan sya nakaupo.

"may klase kayo 'di ba? Bakit nandito si Caz?" nagtatakang tanong pa nya. nagkibit balikat lamang ako habang tumitingin sa dereksyon ni Cassandra na seryosong nagbabasa.

"ewan ko. nag skip 'yan for sure."

"hindi na kita masasabayan sa pagakyat. Pasensya na." ang agad na sabi nito.

"b-bakit?" kunwaring takang tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

Tinuro nya si Cassandra sabay ngiti. Pilit na ngumiti lamang ako upang malaman nyang nakuha ko na ang ibig sabihin nito.

"p-puntahan mo na. akyat na ako." pilit na ngiting sabi ko sa kanya. nakangiting tumango lamang sya matapos ay patakbong nagpunta papalapit kay Cassandra. Ng makalapit ito ay napairap lamang si Cassandra at muling itinuon ang atensyon sa libro, may sinabi si Miko na hindi ko na narinig dahil malayo sila. Umupo si Miko sa tabi nya at nakangiting nagsasalita habang si Cassandra ay tila dedma lamang.

Saglit ko pa silang pinagmasdan bago tumalikod at naglakad papalabas ng canteen.

Yung saya na naramdaman ko ay panandalian lamang pala. hindi madali sa akin na magtago ng nararamdaman. Lalo na kapag alam kong wala na akong dapat na asahan dahil wala naman syang nararamdaman para sa akin. Sino nga naman ba kasi ako hindi ba? Magada si Cassandra. Walang wala ako kapag dating sa kanya. kung ano man ang gusto kong mangyari sa mga oras na ito ay 'yun ay ang makalimot sa nararamdaman ko para sa kanya.

Muli ko silang nilingon. Saktong paglingon ko ay nasaksihan ko na padabog na tumayo si Cassandra at naglakad papalayo kay Miko. At dahil malapit ako sa Exit ng canteen ay nadaanan ako ni Cassandra. Napairap lamang sya ng Makita ako at dere-deretso ang lakad papunta sa mismong pathway. Nakatingin lamang ako kay Cassandra na naglalakad.

"Caz!" napalingon naman ako kay Miko na tumatakbo papalabas ng Canteen na nakatingin lamang sa papalayong si Cassandra. Malungkot ang expression nya at halatang may sinabi si Cassandra na hindi nito nagustuhan. Tumakbo sya papalapit kay Cassandra at tila hindi man lang napanin ang presensya ko sa kanyang harapan ng madaanan nya ako. nagtagumpay sya sa paghabol kay Cassandra. Nauuna sa paglalakad si Cassandra na halatang naiinis na samantalang si Miko ay nagsasalita ngunit masyado na silang malayo para marinig ko iyon.

[PLEASE PLAY LET IT RAIN BY: KASSY (IT'S YOU OST PART 6) FOR THIS PART]

Bigla nalamang akong napaluha sa nangyari. Sana ako nalang. Kung ako. hindi sya magkakaganyan.

"Miko!" Galit na sigaw ko sa kanyang pangalan ngunit hindi na nya narinig o kaya naman ay narinig nya ngunit hindi na sya nag-aksaya pa ng panahon para lingunin ako. napayamukos nalamang ako ng aking mga kamao at ng hindi ko na talaga natiis ay ibinato ko sa kung saan yung bottled water at nagmamadaling sinundan sila.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon