IT'S YOU Chapter 61

19 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 61

(PAALALA AT PAUNAWA, may mga maseselang karahasan sa Kabanatang ito.. hindi ko po pinapayuhan ang bawat isa na gayahin ang mababasa nyo ^_^. Maraming salamat!)

Pretty Lalaine's POV.

"LAZARUS?" nagalalang lumapit si Alie sa namamalipit na sa sakit na si Lazarus.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. si Oscar ay patuloy lang sa pag Cover sa akin at patuloy parin ang pagulan ng mga bala sa dereksyon namin na nagmula sa kung saan man.

"PRE?" nagaalalang sigaw ni Oscar sa kaibigan nyang si Lazarus. Umiiyak na si Daffny at Andrea samantalang si Mr. Moore at Maurice ay patuloy ang pag check kay Michelle, nasa tabi namin si Miko na sinusubukang tumawag sa mga police.

Hindi rin naman nagtagal at nahinto din ang pagputok ng baril mula sa dereksyon namin.

Nagsimula ng tumulo ang mga luha ni Alie ng Makita nya ang nahihirapang si Lazarus dahil sa tama nito. Niligtas ni Lazarus si Alie mula sa pagkakatama ng baril, kung hindi nya ito tinulak ay malamang na sya ng matatamaan nito.

Ilang saglit pa kami doon sa likod ng sasakyan ni Mr. Moore ngunit wala ng bumabaril sa amin. Kaya naman kahit walang kasiguraduhan ay tumayo na kami at kumilos upang idala sa Hospital si Michelle at Lazarus. Sugatan din si Miko, Maurice at Mr. Moore dahil sa mga basag na salamin na tumama sa kanila kaya kailangn din nilang maidala sa Hospital.

Napagdesisyunan namin na magpaiwan nalamang ni Oscar at susunod nalamang dahil hindi na kami kasya sa Kotse ni Mr. Moore. sasabay nalang din sa amin si Miko na hindi naman ganoon kalala ang tama.

"kayo na ang bahala na magreport sa mga police Miko, Oscar, Pretty, hindi na namin kailangang magtagal pa dahil malala ang tama ni Lazarus at Michelle."

"magiingat kayo Mr.Moore!" sabi naman ni Oscar habang ako ay tumatango nalamang.

"tumawag na ako sa police Mr. Moore. Papunta na sila dito ngayon." Sabi naman ni Miko kay Mr. Moore.

"sige. Mauna na kami."

Agad na sumakay si Mr. Moore sa Drivers seat para paandarin ang sasakyan nito. Tanging ang mga salamin at mga pintuan lamang nito ang mga sira at butaas dulot ng tama ng pagbala at hindi ang mga gulong nito kaya magagamit pa nila ito para makapunta ng Hospital.

Nagsimula ng umandar ang kotse, ngunit hindi pa man ito nakakalayo ay may humarang nang dalawang kulay itim na Van sa daraanan nila Mr. Moore na nagmula sa harapan nila. May mga bumaba doon mga lalaking may mga kalakihan ang katawan at mga armado. lima sila at balot ang mga katawan. Mga nakaitim na jacket at pants, ang iba ay naka bonet ng itim at naka balanggot. Ngunit hindi naging hadlang ang mga kasuotan nila upang hindi namin Makita ang kani-kanilang mga mukha..

"naku po!" nasambit nlamng ni Miko.

"sino sila?" naitanong ko nalamang.

"hindi kaya sila yung may gawa ng pagbaril sa atin kanina?" frustrated na sabi ni Oscar.

Bumaba sa kotse si Mr. Moore ngunit hindi na sya nakapagsalita pa ng agad na suntukin ng isa sa kanila sa bandang tiyan si Mr. Moore.

Tatakbo na sana kami ni Oscar papunta sa kanila ngunit agad na humarang sa amin si Miko.

"huwag please, walang magagawa ang pagpunta nyo dun, may mga baril sila." nanlalaki ang mga matang sabi sa amin ni Miko.

Pinilit na lumaban ni Mr. Moore ngunit napagtulungan sya ng limang lalaki kaya napahiga nalmang sya, bumaba ng kotse si Maurice ngunit agad syang pinagtulungang bugbugin ng mga armadong lalaki, sinubukang lumaban ni Maurice ngunit napahiga ito ng pukpukin sya sa ulo ng isang aramdong lalaki gamit ang baril nito.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon