IT'S YOU Chapter 74

20 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 74

Prince Lazarus's POV.

"gising ka na pala?" ang agad na bungad nito sa akin. Umupo sya sa kama kung saan ako nakahiga. Doon palang nag sink in sa utak ko na nasa bahay parin ako ni Cassandra hanggang ngayon.

"magbreak fast ka n—" hindi na naituloy nito ang kanyang sasabihin ng agad akong kumilos para tumayo. naglakad ako papalabas ng kwarto at naramdaman ko ang agad niyang pagsunod sa akin. napahinto ako sa paglalakad ng hawakan nya ang aking kamay. Tiningnan ko sya ng masama.

"saan ka ba pupunta?" nakasimangot na sabi nito sa akin.

"yung ginawa ko kagabi. Kalimutan mo na 'yun. Lahat ng mga nagawa at nasabi ko. maliwanag?" seryosong sabi ko sa kanya sabay bitiw sa kanyang pagkakahawak. Nagmamadali akong lumabas ng bahay nila at pumara ng taxi. Napakamot nalamang ako sa ulo ng maalala ang date namin ni Alie kagabi at hindi ako nakasipot sa kanya.

Alam ko mismo sa aking sarili na hindi ko ginusto ang mga nangyaring iyon. Masyado lang siguro akong nadala sa kalasingan kaya hindi ko na control ang aking sarili.

[PLEASE PLAY LET IT RAIN BY: KASSY (IT'S YOU OST PART 6) FOR THIS PART]

Muling nagflash back sa akin ang sinabi kanina ni Alie

"s-simula ngayon.. pinuputol ko na ang ang kahit na anong ugnayan ko.... k-kay Lazarus."

Napasabunot nalamang ako sa aking sarili habang umiiyak. Napaka tanga ko. tama si Maurice! Hindi deserved ni Alie na masaktan ng ganun. Nasaktan ko nanaman sya sa pangalawang pagkakataon dahil nanaman sa katangahan ko.

Sobrang saya ko ng maging kami. Ngunit hindi ko inaasahang panandalian lamang ang sayang iyon at mapapalitan ng kalungkutan ang lahat.

Muli kong naalala ang mga ginagawa ko sa mga panahong hindi ko pa nakikilala si Alie. Tulad ng mga ginagawa ng ibang play boy. Mahilig akong manakit ng damdamin ng ibang babae. Kapag may nagandahan ako sa school, liligawan ko haggang sa maging kami. Tapos kapag nagsawa ako ay papalitan ko kaagad. Yung ginawa ko kay Cassandra? hindi iyon ang unang beses na ginawa ko ang ganoong bagay sa isang babae. Nagawa ko na ang ganoong bagay sa mga babaeng nakarelasyon ko noon, yung iba pa nga ay umabot pa sa mas malala.

Aaminin kong bad boy ako. isa ako sa mga lalaking walang ginawa kundi ang paglaruan ang feelings ng mga babae, mahilig umiom at walang pakialam sa pagaaral. 'yun ang tunay na Lazarus.

Pero simula ng makilala ko si Alie. Nakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko. yung pakiramdam na nagpabago sa akin at kusang talikuran yung mga masasamang Gawain ko noon. Nagsimula akong magustuhan sya at ang saya na nararamdaman ko sa tuwing makikita sya ay hindi ko nararamdaman sa mga babaeng nakarelasyon ko noon.

Hindi ko sya dapat niloko at muling sinaktan. Hindi ako perpektong tao kaya nagawa ko ang bagay na iyon. Sobra ko nang pinagsisihan ang nangyari. Kung pwede ko nga lang ibalik ang nangyari sa nakaraan ay ginawa ko na. sana naman kahit isa sa kanila ay maniwalang hindi ko intension na lokohin si Alie, alam naman sana nilang lahat kung gaano sya kahalaga para sa akin.

Patuloy parin ako sa pagiyak. Nakatingin ako sa sahig habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. Hanggang sa may nakita akong kamay na may hawak ng panyo. Tiningnan ko ito at tinaas ang aking paningin upang malaman kung sino ang taong nagaabot ng panyo. Napakunot noo ako ng makitang si Tim iyon. Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

Natawa nalamang ako habang patuloy parin sa pagiyak.

"huwag na. may sarili akong panyo.." ang nasabi ko nalang.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon