IT'S YOU Chapter 14

23 0 0
                                    

IT'S YOU Chapter 14

Nathalie Kim's POV.

"Matapang ka ha! Yan ang bagay sayo!"

"Ble ble ble ble ble!"

"Hahahahahahahahaha!"

Dinig ko pa sa ilan sa mga sinabi nila sa akin. Naramdaman ko nalang ang biglang pagsipa ni Brandon ng sobrang lakas sa kanang braso ko dahilan para matumba ako sa damuhan at mapapikit sa sobrang sakit.

"nakikita mo ito?"

Pinakita nya ang kamay nyang may bandage. Naaninag ko ang galit na galit nyang mukha.

"KAGAGAWAN MO ITO!"

Nanlalaki pa ang mga mata nito habang gigil na sinisigaw sa akin ang sinabi nyang iyon. Umupo sya sa harap ko. Itinukod ang walang injured na kanang kamay sa kanang tuhod nito sabay ngisi.

"alam mo. Hindi mo naman aabutin ang ganito kung hindi ka nangielam kahapon. at dahil masyado kang pakielamera. Bagay lang sa 'yo 'yan."

Tumayo sya at tumingin sa mga estudyanteng nakapaligid sa amin.

"simulan nyo na!" sigaw nya sa kanila. Mabilis syang umalis sa harap ko. Nagsimulang sumakit ang katawan ko ng maramdaman ko ang paulit ulit na pagbato ng mga bola sa katawan ko. Naiyak ako sa sobrang sakit. Gusto ko silang sigawan na tama na! pero masyado akong nanghihina. Nanlalabo narin ang paningin ko kaya hindi ko na halos makilala pa kung sino ang nagbabato ng bola sa akin. Kung minsan ay tumatama sa mukha, minsan naman sa braso, sa hita, sa paa, at sa ulo ko. Sobra na akong nahihilo at hindi malaman kung ano ang gagawin. Hindi yata sila titigil hangga't hindi nila ako napapatay. May nararamdaman pa akong patuloy na nagbubuhos sa akin ng putik gaya ng ginawa ni Brandon kanina.

"TIGIL!"

Sa isang iglap ay natigil ang ingay. Natigil ang pagbabato ng bola sa akin, maging ang pagbuhos ng putik sa akin ay natigil hindi ko alam kung bigla ba silang nawala sa paligid. Kahit nanghihina ay agad akong napangiti habang nakapikit. Alam ko kung sino ang may ari ng boses na iyon. Sa wakas ay may magliligtas narin sa akin.

Salamat at dumating ka.... Jb.

Prince Lazarus's POV.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang wrist watch ko. 5:20 na pero wala parin sya. Kahit kasi wala naman kaming usapan na magkikita dito alam ko at ramdam ko na pupunta sya dito. Mahigit 30 minutos narin ang paghihintay ko pero walang Alie ang umaakyat pa dito.

Nasaan kaya sya? Umuwi na ba sya? Gusto ko syang Makita.

Naghintay pa ako doon ng mga 20 minutes pa pero wala na talaga sya hanggang sa mapagdesisyunan ko ng bumaba.

"AHHHHH TULOOONGGG!"

Ng makababa ako sa 5th floor ay may narinig akong sigaw at mga yabag na parang nagmamadaling tumakbo. Sigaw ng isang babae ang narinig ko. Isang pamilyar na boses ang isang iyon. Hindi ko nalang 'yon pinansin at nagpatuloy na sa pglalakad. Napahinto ako ng makita ang isang libro. Lukot lukot na sya at mukhang inihagis hagis pa. pinulot ko iyon at hinanap kung saan nakalagay ang pangalan ng owner. Nakita ko ang pangalan sa bandang likod sa cover ng libro. Nakasulat ito sa bandang baba sa kaliwa.

Nathalie kim A. Dela Cruz.

Section I

Nanlaki ng mga mata ko habang tumitingin sa dereksyon ng pinanggalingan ng sigaw ng isang pamilyar na boses kanina.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon