IT'S YOU Chapter 127

14 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 127

(GUYS, ang part na ito ay may VIOLENCE CONTENT. SUPER BAWAL GAYAHIN.)

Lovy Kei's POV.

"hello nasaan ka na?" salubong ang mga kilay na tanong ko kay Darius.

Hindi ko halos mapigilang magalala Kahit na alam kong ilang minuto palamang ang nakakalipas ng iwan nya ako.

Napaka-uncomfortable na ng nararamdaman ko. butil-butil na pawis ang halos namumuo sa aking noo at sa gilid ng magkabila kong pisngi. Mabilis na naging tensyonado ang paligid. kung magkakaroon lang sana ako ng pagkakataon para sundan si Darius ay gagawin ko.

Naghintay ako sa pagsagot nya mula sa kabilang linya.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay isang malakas na malakas na pagsabog ang nangyari sa loob ng gymnasium. Sa aking palagay ay bomba iyon na mismong nandito sa loob ng gymnasium.

Napakalakas ng naging pagsabog. At dahil halos lahat kami na nandoon sa loob ay hindi inaasahan ang nangyari at hindi kami nakapaghanda.

Biglang uminit sa loob ng Gym, mga hiyawan ng mga tao sa aking paligid ang umalingawngaw na ingay sa kapaligiran, may mga nag tatakbuhan sa kung saan. Sa lakas ng impact ng pagsabog ay kahit ako ay napa-upo sa harap ng mga upuan kung saan kami nakaupo ni Darius kanina. nabitawan ko ang aking cellphone at tumilapon iyon sa kung saan.

Naging mayanig ang paligid. tumama ang ulo ko sa stand ng isang bangko kaya naman nahirapan akong tumayo dahil sa biglang pagkahilo ko. hindi naman ganun ka-grabe ang sakit na naramdaman ko ngunit sapat na para masaktan ko.

Pinilit kong tumayo at tumingin sa paligid. nasusunog na ang halos kalahati ng Gym! Nasira ang ilang mga bangko na nasa bandang kanan ko dahil doon nagmula ang pagsabog, gumuho ang kisame ng gym sa bandang kanan ko parin, nagbagsakan ang mga naglalakihang bakal na nagmumula doon dahilan para mapaupo ako at takpan ang aking ulo. Sa bandang kanan parin iyon kaya naman malayo pa naman ako sa mga nagbabagsakang bakal.

namatay ang ilaw sa loob kaya naman medyo dumilim. Hindi parin nawawala ang mga hiyawan ng mga estudyante na patuloy na tumatakbo papalabas sa exit gym. Halos lahat sila ay nagmamadaling nagsisiksikan sa medyo masikip na pintuan ng gym upang makalabas at iligtas ang kani-kanilang mga sarili.

Muli kong pinagmasdan ang paligid. bagamat medyo madilim. Nagkakaroon naman ng liwanag sa loob dahil sa patuloy na pagkalat ng apoy sa buong kapaligiran.

Halos manlumo ako sa mga iilang estudyanteng nadaganan ng mga bakal at ng mga upuan. umiiyak sila at humihingi ng tulong ngunit walang pumapansin.

Kahit sobra na akong nanginginig sa takot since first time kong naranasan ito, pinilit ko paring tapangan ang aking loob para magsagip ng buhay.

Tumakbo ako at nilapitan ang isa sa mga estudyanteng naipit ang mga paa dahil sa bumagsak na may kalakihang bakal na nagmula sa itaas ng gym.

Malakas ang tibok ng aking puso habang pinagmamasdan ang kalagayan nya. umiiyak sya at humihingi ng tulong sa akin. Hindi ko parin magawang tulungan sya dahil patuloy parin sa pagbagsak ang mga bakal na nagmumula sa itaas. Kumakalat narin ang apoy sa bandang kanan ng gym at halos kalahati na nito ang napapaligiran ng apoy.

Nakita ko sa bandang entrance ng gym si Mr. Moore at yung iba pang mga teachers na nags-save ng ibang mga estudyante na na-trap dahil sa mga kung ano-anong bakal, simento at mga batong nakaharang sa mga daraanan nila.

Ng huminto na ang pagyanig at pagbagsak ng iilang mga bakal at simento sa aking paligid ay agad akong kumilos para sagipin yung babaeng naipit ang mga paa sa bakal bago pa mahuli ang lahat.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon