Kakayanin : part 03

1.5K 112 95
                                    


"Sigurado ka ba dito Max?" tanong ni Buddy.

Alam niyang nag alala lang ito sa kaniya. Pero nilang beses niya na ba itong ginawa. Pero wala namang nangyayari sa kaniya. At nag papasalamat siya dahil don. Dahil hindi siya pwedeng mawala sa mundong ito. Hindi sa ngayon. Hindi niya pwedeng iwan ang kapatid niya.

"Buddy, pang ilang race ko na ba to. Kaya ayaw kitang kasama. Napaka nerbyoso mo" habang sinusuot ko ang helmet.

"And what do you want me to feel?
That race might cause your life to end. You don't know what will happened, next thing you remember, you're dead" patuloy na pag sermon nito.

"Ipagdasal mo nalang na manalo ako kaysa kung anong kanegahan yang nasa utak mo" saka ako pumasok sa race car.

"If you only accepted my offer, you don't have to do this" heto na naman  na po kami.

"Paulit ulit lang buddy. Alam mo ang sagot ko sa offer mo. Matagal na. At walang magbabago. Sige na, lilinya na ko" itinaboy ko na ito palayo.

Matagal na itong nag o-offer sa akin ng trabaho. Pero tinanggihan ko. Alam kong hindi patas ang gagawin niyang pagtrato sa akin once na tinanggap ko ang inaalok niya. Malaki din ang offer niyang salary. Pero hindi ako gahaman sa pera. Oo, kailanganin na kailangan ko yon. Pero hindi kaya ng konsensya ko na parang nang aabuso na ako. Okay na ako sa ganito. Alam kong delikado. Minsan, ilegal. Pero wala akong inaabusong tao. Isa lang ang palagi kong dasal sa tuwing hawak ko na ang manibela ng race car na sinasakyan ko...na sana, matapos ko iyon at makalabas pa ako ng race car na buhay at buo. Bonus ng manalo ako. Pero sa simula palang na sumali ako sa car racing, minsan palang akong natalo. At hindi na naulit yon. Dito talaga siguro ang mundo ko. Mundong hindi ko pinangarap.

Humilera na ako sa starting line, katapat ang mga magiging kalaban ko ng araw na yon.

Umusal muna ako ng isang tahimik na panalangin habang hinihintay ang hudyat..

Kaya ko to!

Kailangan kong manalo. Fifty thousand din ang price. Malaking halaga na para sa isang buhay na nasa bingit ng kamatayan. Limang "M" ang pwedeng mangyari sayo pag kabilang ka sa ganitong uri ng mundo.

Manalo

Matalo

Masugatan

Mabaldado

At ang Mamatay...

At isa lang ang sisiguraduhin ko, hindi man ako manalo...basta hindi ako pwedeng mamatay.

Three...

Two...

Hinawakan ko ang manibela ng mahigpit..

One ...

Hanggang sa parang hindi na nakasayad ang katawan ko sa lupa sa bilis ng pagmamaneho ko.

Sa isang dako ay nandoon si Buddy. Hindi ito umalis at kahit kinakabahan para sa kaibigan ay nag dasal itong hindi sana ito mapahamak. Kaya niyang ibigay dito ang halaga ng premyo sa karerang yon. Kahit triple pa. Pero alam niyang hindi rin iyon tatanggapin ni Max. Ma-prinsipyo si Max. Matigas mag desisyon. Sa loob ng isang taong pagiging magkaibigan nila, ni minsan ay hindi ito humingi ng tulong sa kaniya. Kahit alukin niya ito ay tatanggihan niya. Naiinis pero bilib siya dito. Malakas ang loob. Ni minsan ay hindi ko ito na kitang pinanghinaan ng loob kahit may pinagdaanang problema. Positibo siya sa mga bagay bagay, sa mga problemang pinagdaanan at kinakaharap niya.

Walang imposible kapag gugustuhin...walang mahirap kung kakayanin.

Iyon palagi ang sinasabi nito sa tuwing tatanungin ko ito kung ayos lang siya. Kung kaya pa niya. At iyon ang hinahangaan ko dito. Napakatatag. Napaka mapagmahal na kapatid. Mabuting kaibigan.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon