-
"Ate"
"Ate" bahagya pang nagulat si Max nang makitang nakatayo na sa tabi niya si Mint para ihatid sa university.
"Halika na" iniabot ni Max ang helmet kay Mint bago ini start ang engine ng motorsiklo nito.
"May problema ba ate?"
"Wala. May iniisip lang ako" sagot nito.
Pero ang totoo, magdamag niyang inisip ang pinag usapan nila ni Emmeth. Ang kasunduan nila. Ang pangambang baka malaman ni Mint ang tungkol doon.
"Tungkol saan?" Muling tanong ni Mint.
"Wala. Iniisip ko lang kung aling trabaho ang uunahin ko. Kapit ka" utos nito Max.
Makalipas ang kinse minutos, narating na nila ang university.
"Gamot mo, dala mo ba?"
"Yes ate"
"May loan ka ba? Mamaya makalimutan mong tumawag o mag text"
"Hindi po. Salamat ate"
Isang tipid na ngiti ang naging sagot ni Max dito.
Ginusot ni Max ang buhok nito "Mag iingat ka ha, aalis na ko"
"Ikaw din ate. I love you" sabay halik at yakap kay Max.
"Love you too, sige na pasok na saka ako aalis"
"Bye ate. Sabay tayo mag dinner ha. Iintayin kita"
"Opo na. Ice cream?"
Malaki ang naging ngiti ni Mint nang marinig ang salitang ice cream. Favorite kasi nilang magkapatid yon.
"Yes naman. Bye ate"
Sorry Mint kung kailangan kong magtago ng lihim sayo. Kung kailangan kong sumunod sa kasunduan namin ni Emmeth. Ayaw ko lang na masaktan ka lalo na at ako ang magiging dahilan. Maka graduate ka lang, lalayo tayo dito"
Makalipas ang ilang minuto ay umalis na din si Max sa harapan ng university at tinungo ang magiging trabaho ng araw na yon.
Walang race, mamayang gabi pa siya sa massage parlor, kaya pinatulan niya na din ang pagiging waitress, dishwasher. Basta kung saan siya kikita.
-
"Morning sir, ano pong order niyo" habang hawak ni Max ang maliit na kwaderno at ballpoint pen para kuhanin ang order ng mga costumer ng umagang yon. With a smile on her face. Yon ang ka utusan. Bawal ang naka simangot, malas daw sa trabaho.
"Large coke and meat burger" sagot ng costumer.
"Large coke ang meat burger, coming right up" sabay talikod ni Max para ilagay ang order sa tabi ng counter.