A/N : about the plot. Kailangan ko talagang lumihis, hindi lang kasi naka focus sa isang love team/interest yung story na to. Remember, madaming characters involved ngayon unlike sa mga previous story ko which is, one or two side/families lang. This story is not about only Max/Mint, theres Emmeth, Rav, Dani, lolo fredos's story from the past, yung kaniyang mga ampon ( Carol and Hailey ) , and you didn't even notice, nawala na nga halos yung character nina Rick, Niel, Uno and kuya Nong. Katelyn's character, inalis ko na nga agad agad. Kailangan ko lang talagang isingit ang pov ng isang character, or scene para naman may kaunting hint kayo, about sa character's PoV, needed talaga para hindi mawalan ng saysay ang paglalagay ko sa kaniya sa story na to. And about twist, needed din po talaga. If plain, as in continues lang. Madaling malaman how this story will end.
Struggle? Yes, noong una. Sa tingin ko naman kasi, talagang mag struggle ka lalo na at nasa mid part ka na. Yung medyo magulo na.
This story will end----kung ano ang unang plan ko. Pero how these story goes, wala akong draft or plano. Impromptu po ang lahat. I won't change a thing. This story maybe, won't be as * I don't know kung tamang sabihin kong good like my previous story* pero I'll make sure na, hindi ako one sided. I'll give justice sa mga characters. Maybe not as good as you expected, but I'll try to give a nice ending. Not *wow* just okay. As in okay, fine.
Inunahan ko na kayo if ever 😉
Stay if you wanted...leave if you like. Walang pilitan...ako'y amateur lamang.
Nagkakamali, namamali, nalilihis, nalilito.
Today, I'm a writer, tomorrow, I'm a reader 😊
-
"Ano yan mommy?" tanong ni Hailey sa ina na panay ang buklat ng kung ano ano sa ibabaw ng study table niyo.
"Information tungkol sa mga apo ng lolo mo" sagot ni Carol sa anak.
"Talaga? So kilala mo na sila" masayang sabi ni Hailey.
"Here" inabot nito sa anak ang larawan na nakunan ng investigator na binayaran niya.
At nang makita na ito ni Hailey "no. Hindi pwede" malaking pagtanggi nito.
"Bakit? Kilala mo sila?"
"Yes mom. Pero ang hindi ko alam-----ay yung kambal sila. Kaya pala" noon ay nasagot ang matagal ng tanong sa isip ni Hailey.
"Kaya pala ano?" Interesadong tanong ni Carol sa anak.
"I had a first encounter kay Mint, yung isa sa kanila. Siya yung classmate ko na nagustuhan ni Emmeth. At first na binully ko siya, hindi siya gumanti. Then the second time, I was with my friends, I confronted her. And she's skilled. Marunong siya sa self defense. At first I thought, marunong talaga si Mint at tinatago lang. Kaya pala. Si Mint at yang kakambal niya, pareho silang uma-attend sa klase. But I never saw them together na nasa university. So ibig bang sabihin nito, niloloko nila ang buong university" Ang hindi makapaniwalang saad ni Hailey.
"Pwede. So all this time, kilala mo na pala ang kaagaw mo sa mana"
"Of all people. Sila pa talaga. Well---I won't let them na makuha ang dapat na para satin. Ako ang nakilala ng lahat na solong apo ng mga Hizon. Hindi ko hahayaang maagaw sa akin ang lahat ng meron ako.