Kakayanin : part 07

1K 93 33
                                    


Monday

"Ate, kamusta lakad mo kagabi?" Pag usisa ni Mint kay Max habang nag aalmusal sila. Hindi niya na kasi alam kung anong oras ito nakauwi. Medyo napagod siya sa buong maghapon. Nag linis siya ng buong kabahayan at naglaba narin. Ayaw niya naman na iasa pa iyon sa ate Max niya na pagod din saan maghapong trabaho. Yon nalang ang maitutulong niya sa kapatid kaya siya na ang gumagawa.

"Okay naman. Kumita naman ng malaki laki dahil sa mga tip. Kaya---heto, para sayo" May inilapag ito sa lamesa na  isang libo.

"Itabi mo nalang yan ate. Wala naman akong kailangang bilin sa ngayon. Hihingi naman ako sayo pag kailangan ko" pagtanggi ko sa inaabot nito.

"Sigurado ka?" tumingin pa ito sa kaniya na tila naninigurado.

"Oo nga. Kung ako sayo, ibili mo nalang yan ng mga gamit mo. Puro ako nalang ang iniisip mo" nakaramdam ng awa si Mint sa kapatid. Hindi na ito nagpapahinga. Magkaroon man, madalang pa.

"Wala din naman akong kailangang bilin----o sige ganito nalang. Ice cream tayo mamaya pag uwi ko" suhestiyon ni Max.

"Sige ba----after school?"

-

"Hintayin mo ko mamaya dito. Diretso na tayo sa ice cream store para diretso uwi na din tayo sa bahay" bilin ni Max sa kapatid pagka hatid niya dito sa unibersidad.

"Yes ate. Mag iingat ka ha. Saan nga pala lakad mo ngayon?"

"Sa massage parlor lang" iyon ang isinagot ni Max sa kapatid para hindi ito mag alala. Pero ang totoo, may karera siya ngayon gamit ang motorsiklo niya. Hanggat may pagkakataon para makaipon siya ng pera, gagawin niya. Kahit delikado. Naniniwala siyang hindi siya papabayaan ng mga magulang nila at ng Diyos. Natatakot din siya pero mas takot siyang mawala ng kapatid niya.

"Buti naman. Para hindi ako nag aalala. Text kita pag pauwi nako ha, love you ate sobra sobra labis labis" Niyakap ito ni Mint ng sobrang higpit. Yakap na palagi niyang ginagawa sa ate niya upang ipadama ang sobra sobra niyang pagmamahal at pasasalamat.

"Love you too, sige na pasok ka na" utos ni Max.

"Bye ate. See you later" kumaway si Mint dito saka tuluyang pumasok sa gate ng naturang university.

-

Nakausap na ni JZ ang mga judges na kinuha niya last Friday para sa screening nang magiging representative ng school nila. At napangiti siya dahil ang inaasahan niyang sagot ang nakuha niya sa mga ito.

Nasa open ground sila ng mga kaibigan niya. Sa tambayan nila ng makita nito ang paparating na si Mint.

At bawat estudyanteng magkasalubong nito ay nginingitian niya. Kilala man o hindi.

At iyon ang alam niyang katangian na nagustuhan ng mga judges. Her genuine smile. Smile that can capture a heart. Who capture his heart. And he admitted it. Yes, he likes her. Her personality. Her beauty. He may not know her well but just one stare and he knew it already, Mint has a place I his heart. His heart knew her first.

Pero alam niyang walang magiging tugon ang nararamdaman niyang iyon dahil may boyfriend na ito. Boyfriend na hindi pa niya nakikita ang mukha kahit minsan.

Habang nagka klase ay palihim na sinusulyapan ni JZ si Mint. Mahinhin ito kumilos. Manalita. Na lalong nakakadagdag ng paghanga niya dito. Bukod pa sa alam niyang may aking talino din ito.

Sa next class binalak kausapin ni JZ si Mint tungkol sa fund raising project. Pagkatapos ng first subjet nila ay nakita na nitong tumayo si Mint. Mabilis ding tumayo si JZ para sabayan si Mint patungo sa next class nila.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon