Fast forward...Masaya naman ang naging simpleng thanks giving party na yon para sa lahat. May kaunting sayawan at may mga nagsayaw to entertain everyone. And si Mint, na push siyang kumanta that everyone loves dahil maganda naman talaga ang boses nito. Pinayagan ni Mrs. Hana na may kaunting alcohol drinks. Pero limited lang dahil ayaw naman nitong may malasing at magka gulo. At may mapahamak sa pag uwi.
As everyone having fun...
Mint felt dizzy na ipinag taka niya. Hindi naman kasi siya tumikim ng alak. Puro juice lang.
Someone grabbed her in her arms pero hindi niya na nakilala dahil nahihilo na talaga siya. Tinulungan siya nitong makatayo at inalalayang mag lakad paalis ng gymnasium.
"Have you seen Mint?" tanong ni JZ sa mga kaibigan. Kausap lang ito kanina ng ilang estudyante.
"Hindi eh. Pero nandoon lang siya kanina ah" tinuro ni Niel. Kung saan niya huling nakita si Mint.
"Baka umuwi na" sagot ni Uno.
"Uuwi ng hindi nagsasabi. Baka nandiyan lang at kausap ng iba" Si Rick.
Nagpalinga linga si JZ at hinanap si Mint sa umpukan ng mga kapwa estudyante.
"Si Mint" tanong nito sa iba pang estudyanteng naroon.
"Umalis kanina eh. Hindi namin alam kung saan nagpunta" sagot ng isa.
"May kasama ba?" Muling tanong ni JZ.
"Mag isa lang. Hindi namin alam kung saan gumawi" Si Zero (Zeus Collins)
Hinanap ni JZ si Mint sa kabuuan ng gymnasium pero hindi niya ito makita. At nagtaka siya dahil hindi niya din makita sina Hailey at ang mga kaibigan nito.
Kinabahan na siya ng mga oras na yon.
Patakbo siyang lumabas ng gymnasium para hanapin si Mint. Nakita niya sa di kalayuan sina Hailey.
"Hailey" malakas na pagtawag ni JZ dito.
"Oh hi, looking for me. Hindi mo naman sinabi na gusto mo pala akong makasama..Sana hindi nalang ako umalis sa loob" nakangiting salubong nito kay JZ sabay kapit sa braso nito.
"In your dreams. Si Mint? " diretsong tanong nito.
"Wow ha. Hanapan ba ako ng taong nawawala" inalis nito ang mga braso niyang nakakapit kay JZ.
"Ikaw lang naman ang alam kong kayang gumawa ng masama sa mga taong napapalapit sakin" prangkang sagot nito.
"Yeah right. Masama nga siguro ako. Pero nagiging masama lang ako dahil sayo. Dahil hindi mo man lang ako mapansin. Pero yung taong hinahanap mo, sorry ha. Wala akong interes na itago siya sayo. She's not worth it. And if you didn't know, baka naman may kasamang iba. You know, inosente kunwari pero malandi naman pala" sa galit ni JZ sa mga narinig kay Hailey ay na itulak niya ito.
"Don't you dare Hailey. Hindi siya katulad mo" galit na tinalikuran ito ni JZ at bumalik sa loob ng gymnasium sa pagbabakasakaling nandoon na si Mint.
Patapos na ang party at kaunti na lamang ang naiwan para tumulong mag ligpit. Hindi parin nakita ni JZ si Mint.
Nauna na din ang mga kaibigan niya dahil inaantok na ang mga ito. Pero si JZ ay hindi makaalis sa university dahil hindi niya alam kung saan nagpunta si Mint. Gustuhin niya mang I message ito pero hindi niya alam ang phone number niya or ang address narin para naman masigurado niyang umuwi na nga ito.
Bakit ba kasi hindi siya nagpaalam?
Past 10: 30 na nang nagpasya siyang umuwi.