Kakayanin : part 68

635 56 31
                                    


Kinabukasan ay hindi muna nag swimming ang lahat at namasyal sa mga famous places ng Ilocos. Namili din sila ng mga pwedeng pasalubong pagbalik ng Manila. They're all grown up pero parang mga bata sa sobrang ingay. Maliban kay Emmeth na tahimik lang. No matter how he tried na I enjoy ang sceneries, hindi niya talaga ma appreciate. He bought something para sa mom niya at para kay Max kahit hindi pa nila ito nakikita.

Para pag nagkita na tayo, may mga pasalubong agad ako sayo na sana magustuhan mo...sa isip ni Emmeth.

Sa isang resto sila kumain ng lunch and his annoyance started to build up as Liz seated again next to him. Taking care of everything he needs, acting like a girlfriend.

And he can't take it anymore.

"Liz stop" he knew everyone heard him but the f***k, he don't care anymore.

"What?" Liz frowned.

"I said stop. Stop acting like we had something. I can do that by myself" he took the plate from her hand and get food by himself.

Tahimik naman ang lahat na hindi malaman kung ano ang sasabihin. They're all happy pero biglang nagkaroon ng tensiyon sa pagitan nina Liz at Emmeth.

Nagkatinginan sina Colbie at Mint dahil kagabi lang nila pinag usapan ang tungkol sa mga napapansin nila. And now, it became so obvious.

Tumahimik si Liz at hinarap ang pagkain. Pilit binalewala ang mga matang nakamasid sa kanila.

Emmeth lost his appetite so he stood up and decided to leave.

"I'll just go somewhere. Just text me if we're going back" sabi nito saka iniwan ang lahat na naguguluhan.

"May problema ba Liz?" Hindi na nakatiis na magtanong si Colbie.

"Wala naman" tugon ni Liz na patuloy lang na kumakain na tila ba walang nangyari.

"Then why Emmeth leave?" Hindi naniniwalang tanong ni Colbie.

"I said I don't know okay" muling sagot ni Liz

"Tama na Colbie" pagpigil ni Mint sa binata dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.

Pero kahit siya, alam niyang parang may mali. Iba yung napansin nila kay Liz, at iba din yung kay Emmeth, parang may something.

-

Hapon na nang makabalik sila sa rest house nila Colbie. Ang mga babae ang nag pasyang magluto ng dinner nila.

"Lola Ema" isang dalagita ang pumasok mula sa likurang bahagi ng bahay.

"Hi----sino hinahanap mo?" Si Mint ang unang nakakita sa dalagita kaya siya na ang nagtanong.

Tinitigan ng dalagita si Mint na tila ba kinikilala. Naroong tumingin ito palayo sa muka ng dalaga at muling ibabalik ang paningin sa muka nito "Si lola Ema po" sagot nito " Pinapahatid niya po kasi sakin tong mga anonas para daw sa mga bisita ni kuya Collin" Nagkatinginan ang mga babae sa pangalang binanggit ng dalagita.

Maliban kina Liz at Mint.

"Salamat. Nasa sala ang kuya Collin mo. Gusto mo puntahan?' tanong ni Mint.

"Mint, sino si Collin?" tanong ni Vien.

"Si Colbie. Collin Jerbie ang buong pangalan niya" sagot ni Mint.

"Puntahan ko na po si kuya Collin " nanakbo pa ang dalagita papunta sa sala. Dinig nila ang masayang tinig ni Colbie ng makita ang dalagita.

"May kukunin lang ako sa kwarto sandali" paalam ni Liz.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon