Kakayanin : part 97

686 63 8
                                    

Unedited...

-

Max

Bumalik kami sa hospital para kuhanin ang DNA result. All of our friends ay natawagan ko na. They've been there since start kaya gusto kong naroon sila para malaman ang totoo. Sa bahay muli ni Emmeth ang meet up. At syempre, darating si Liz.

Mint called me at sinabing naroon na silang lahat. Pabalik na kami ni Emmeth sa bahay nila, naroon din ang tita Cynthia at sinabi na din ni Emmeth dito ang lahat lahat kaya gusto din nitong malaman ang result ng DNA test.

"Finally" Ang nakangiting sambit ni Emmeth habang papasok sa garage ang kotse niya.

"It's done" sabi ko dito bago kami lumabas ng kotse niya.

"Not yet. May haharapin pa tayo" saka nito kinuha ang kamay ko at pinagsalikop iyon sa kamay niya.

"May dapat pa ba kong ipag alala?" tanong ko.

"Wala na. I'll end it here, right now no matter what. Kung kinakailangang gamitan ko siya ng batas, gagawin ko"

Pagkapasok namin ng bahay nila Emmeth ay naabutan naming nagku-kwentuhan ang lahat. At si Liz, napadako ang mga mata nito sa mga kamay naming magka hawak.

"Good afternoon tita" sabay beso ko kay tita Cynthia.

"Afternoon" and she did the same "How's everything?" halos pabulong na tanong nito sa akin.

"Na kay Emmeth na po ang sagot tita. Siya na po ang bahala" sagot ko.

"Well then, let's take a sit" hinila na ako nito at naupo kaming magkatabi sa iisang sofa, she's not letting go of my hands. And I've found comfort. Nang kakampi.

"Hey everyone" bati ni Emmeth sa lahat.

Tumayo si Liz saka lumapit kay Emmeth "Can we talk?" Mahina pero dinig kong tanong nito.

"Of course" Mabilis na sagot ni Emmeth.

"Just the two of us" ani liz.

"I don't think that's needed. You need to take your seat coz I have some important things to say" utos nito kay Liz

Nagpalipat lipat ang tingin nito sa akin at kay Emmeth. Alam kong hindi iyon ang inaasahan niya.

"Before anything else, salamat sa inyo guys. For not leaving me and Max behind lalo na ngayon na may kinakaharap kaming isang problema na hindi naman talaga. Di ba Liz" Ang pauna ni Emmeth.

"Anong ibig mong sabihin?" Halata sa muka ni Liz na naguguluhan siya sa mga nangyayari.

"It's true na buntis si Liz guys" ani Emmeth. At base sa mga reaction ng mga kaibigan namin, hindi sila makapaniwala sa narijig nila "and that baby needs a father" nakita kong nagpapalitan sila ng tingin na may mga tanong sa isat isa "but----it's not me" na tila lalong nagpagulo ng lahat para sa mga kaibigan namin. Maging si Mint ay bakas ang kahulugan sa anyo nito " The thing that I'm holding right now, I guess. Wala ng mag ko-question pa once na makita niyo to. This is a DNA result. A solid proof to know if that baby was mine. And the result is----none of she said was true. It was all lie. That night, noong inakala kong may nangyari sa amin---ngayon, malinaw na sakin ang lahat. The blood stain on my sheet was not because I took your virginity---right Liz? That blood, comes from the cut on your finger. And---you are already weeks pregnant----and the rest is history....now Liz, do you want anything to say?" baling ni Emmeth dito.

"That's not true. Ayaw mo lang panagutan ang anak mo sa sinapupunan ko" mariing pagpipilit ni Liz sa kasinungalingan niya.

"Really Liz? ---anak ko? You truly let yourself believe na anak ko yan when the truth is nothing happened between us and that you are already 10 weeks pregnant. And if we count the weeks since the first day we've met, all in all, we've only known each other for about 4 weeks, going 5. Now tell me, how could it be possible na ako ang ama ng batang yan" Bakas na sa tinig ni Emmeth ang galit at inis nito kay Liz. Alam kong nagpipigil lang ito dahil narin sa batang nasa sinapupunan ni Liz na maaaring madamay kung paiiralin nito ang init ng ulo niya at sa huli ay masaktan nito si Liz.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon