High hopes or false hopes?______
Pinatutunayan ni Colbie ang mga sinabi nito. Hindi ito nag sawang iparamdam kay Mint ang pagmamahal nito. Flowers in her table everyday. Lunch date, at dinner date. Kaya hindi na nakakapunta si Mint sa bahay ng tita Cynthia niya madalas dahil sila ni Colbie ang palaging magkasama. Hindi man hatid sundo ni Colbie si Mint dahil ayaw ng dalaga. Magka iba kasi ang way nila, ay sinisigurado naman ni Colbie na tatawagan nito si Mint kung nakauwi ba ng safe. Pag weekend, namamasyal sila sa kung saan saan. Lahat, mapasaya lang si Mint. At mas masaya ang pakiramdam niya sa tuwing nakikita ang mga ngiti ng dalaga. Ang marinig ang mga tawa nito.
Pwede pa pala siyang maging masaya sa kabila ng lahat nang naranasan niya kay Apple noon. Na patawad niya na ito at nag papasalamat siya dahil ito ang naging dahilan para matagpuan ang babaeng babago sa buhay niya.
Si Mint, masaya sa araw araw na pinaparamdam sa kaniya ni Colbie kung gaano ito katotoo sa mga sinabi nito. Nagkukulang man siya ng time sa tita Cynthia niya, naiintindihan naman nito. Sabi pa ng tita Cynthia niya, just enjoy the life. And yes, she's enjoying her time being with Colbie. Kahit corny ang mga jokes nito, napapatawa parin siya. Effort----yon ang meron si Colbie. At sana, hindi ito mapagod.
-
Isang araw ay hindi muna lumabas sina Colbie at Mint dahil pupunta muna si Mint sa bahay ng tita Cynthia niya. May importante daw sasabihin si Emmeth.
"Tomorrow, magkita tayo sa cemetery" ani Emmeth.
Naisagawa na ang DNA test at bukas na daw malalaman ang result.
"Hindi ko alam ang mararamdaman ko" ani Mint.
Nilapitan ito ni mommy Cynthia at hinawakan ang mga palad nito "kung ano man ang maging resulta, tanggapin natin. Pero kung buhay si Max, kailangan natin siyang hanapin"
"Sana nga po buhay pa siya tita. Magiging napaka saya ko pag nagkataon"
"I know it's negative. Malakas ang pakiramdam ko" ani Emmeth na magkasalikop pa ang mga kamay.
"Maging handa nalang tayo kung ano man ang malalaman natin bukas" ani mommy Cynthia sa dalawa.
-
Hapon kinabukasan ay sumama si Colbie kay Mint. Inanyayahan naman siya ng dalaga kaya okay lang. Para din daw makilala niya ang ate Max nito, kahit patay na.
Pagdating nila Mint at Colbie ay naroon na sina mommy Cynthia at Emmeth.
"Tita" bati ni Mint sabay yakap sa tita Cynthia niya.
"Kamusta po" nagmano si Colbie sa tita Cynthia ni Mint at nakipag kamay kay Emmeth.
Maya maya pa ay may dumating na isang lalaki.
"Emmeth" tumayo si Emmeth at sinalubong ang lalaki.
"Give me some good news Patrick" ani Emmeth sabay tapik sa balikat ng binata "by the way. This is Mint, Max's twin sister, my mom-----and Colbie" pakilala ni Emmeth.
"I'm Patrick. Ako yung nagsagawa ng test and-----here's the result" inabot nito kay Emmeth ang folder na hawak niya.
Binuksan agad iyon ni Emmeth at masusing binasa.
Naghawak kamay naman sina Mint at si mommy Cynthia.
He cover his mouth using the back of his hand trying to stop his tears from falling.
"Anong nakasulat Emmeth" Ang kabadong tanong ni Mint dahil sa nakitang reaction ni Emmeth.
Hindi sumagot si Emmeth kaya kinuha nito sa kamay ng binata ang result.
![](https://img.wattpad.com/cover/169728537-288-k447087.jpg)