Kakayanin : part 26

846 71 229
                                        


Comments combination from @MayWard_Lifetime @TrueLoveWillCome @micahelize  @shandywest @thessarah1 @marijas690 @redddddz @jewel_bitch  @Maryjulia143... wala pa yung kay  @amsterlovejapsonla...tapos yung footnote yung kay inang @lynzzz ...pwede nang isang chapter ng story na to sa totoo lang 😂😂😂 grabe kayo mga beh...if may hindi pa ako nabanggit, taas paa.

Sabog notif ko sa mga to 😂😂😂

-

"This past few days, may napapansin kami sayo JZ" Si Rick. Nag hung out sila that night,  same place. Infinity Club.

"What's is it?" Casual na tanong ni JZ sa kaibigan.

"Para kang loaded. You're quiet, we already knows that. But the way we see you, it's different. May hindi ka ba sinasabi samin?" Muling tanong nito.

"Parang alam ko na ang sagot sa tanong na yan Rick. Hindi niyo ba napapansin, hindi na pumapasok si Mint. And doon siya nagsimulang nagbago right. You fall so hard bro" Si Uno.

"It's not that" pagtanggi ni JZ. Dahil hindi naman talaga si Mint ang dahilan kundi si Max. Ang pag iwas muli nito sa kaniya. Sa mga text at tawag niya. Kahit puntahan  niya ito sa trabaho, she find ways para maiwasan siya. And he won't denied, nasasaktan siya. Bakit nga ba kung sino pa ang minahal mo, hindi ka magawang mahalin pabalik? Though he felt that Max had feelings towards him, hindi siya nitong magawang mahalin ng buong buo. Dahil sa kambal nito na mahal naman siya. And hindi siya ganon kasama para saktan si Mint purposely para lang maging masaya siya. All he wish is sana, maayos ang lahat. Dahil habang mas tumatagal, para na siyang masisiraan ng bait. Ganon pala talaga ang feeling kapag magmahal ka ng totoo.

"It's not that? Eh halos pagsukluban ng langit at lupa ang muka mo. I think gusto ka din naman niya di ba, so bakit hindi pa kayo nagiging ako officially?" Tanong ni Niel habang umiinom.

"I told you guys. Mint is different from the other girls" Ang sagot ni Rick sa tanong ni Niel.

"Nandoon na ko. Pero kahit ba kaunti, wala kang makitang pag asa na magiging kayo? Sa gwapo mong yan bro. Imposible na hindi ka niya magustuhan" dagdag ni Niel.

"Change topic. We're here to have fun" sagot ko sa mga kaibigan ko.

Yeah...have fun!

Pero hindi ko magawa.

-

"Mint, Punta lang ako sa race track. May laban daw bukas. Sayang eh. Malaki yung prize. Mag practice lang ako kahit ilang oras. Babalik ako agad" paalam ni Max sa kapatid.

"Sige ate" tugon ni Mint sa race track ba talaga ang punta mo o magkikita kayo ni Emmeth.

Sa isiping yon ay nasasaktan si Mint. Ngayon, alam na niya.

May namamagitan sa kapatid niya at kay Emmeth. Hindi lang siya sigurado kung ano na talaga sila. Posibleng si Emmeth din ang naghatid sa ate niya nung gabing makita niya ito. Ang kausap nito sa cellphone ng isang madaling araw. Ang kausap nito kagabi, pero bakit parang nagtatalo sila.

At ang hindi niya makakalimutan, nang sinabi ng ate niya na hindi niya ito mahal.

Ibig bang sabihin, mahal siya ni Emmeth pero hindi niya ito mahal.

Tapos ako, mahal ko si Emmeth, pero minahal niya ba ako? Yun bang mga ginagawa niya sa akin noon, para saan yon.

"Ate" mahinang pagtawag ni Mint sa kapatid bago ito tuluyang makaalis.

"Ano yong Mint? May masakit ba sayo?" nakita ni Mint ang pag aalala sa muka ng kapatid.

"Si---si Emmeth ba nakikita mo?" tila may nakabara sa lalamunan ni Mint nang tanungin niya ang ate niya.

Kakayanin KayaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon