"Mint, gising na. Ma le-late ka na" tinapik ito ni Max sa balikat.
Dahan dahang pumihit paharap si Mint sa kapatid bago nagmulat ng mga mata.
"Hindi ako makakapasok ngayon ate" sagot nito.
"Huh? Bakit? May sakit ka ba?" Dinama ni Max sa likurang bahagi ng palad niya ang noo nito Mint "Hindi ka naman mainit. Ano nararamdaman mo?" Pag aalala nito.
"Masakit ang ulo ko ate. Pwede bang ikaw muna ngayon" Tsssk...gusto ko nga iwasan si Emmeth. Paano ba yan?
"Importante ba gagawin mo sa Uni ngayon?" Baka sakaling wala namang importanteng gagawin, pwedeng hindi ito pasukan ni Max.
"Ate graduating na ko di ba. Hindi ako pwedeng magkaroon ng absences " sagot nito na ikinabagsak ng mga balikat ni Max.
On nga pala...haisst. Sige na nga lang
"O sige. Iiwan ko yung pagkain mo dito sa tabi ng higaan mo. Pati narin yung gamot. Message mo ko kung lalala yang sakit ng ulo mo ha. Uuwi ako. Huwag mong kakalimutan ang uminom ng gamot ha " bilin ni Max.
"Yes ate. Tutulog ulit ako ha" sagot nito saka muling binalot ang katawan sa kumot.
"Sige---aalis nako. Message mo lang ako ha" humalik si Max sa ulo ng kapatid bago lumabas ng kwarto.
"Nga pala, pag nagkikita kayo nung Emmeth, I mean, ano ginagawa mo" casual na tanong ni Max.
"Wala naman. Nag ha hi lang ako---bakit?"
"Syempre para alam ko. Mamaya mahalata niya" pagsisinungaling ni Max.
Sa daan, habang patungo si Max sa university, iniisip niya kung paano makakaiwas kay Emmeth. At isa lang ang naiisip niya.
Ang maging si Mint ng totohanan. Sure na siya na iiwasan siya nito kahit papano.
Good idea💡
Pagkarating sa Uni, sa bandang likurang bahagi ng university ipinarada ni Max ang motorsiklo niya. Para hindi iyon makita ni Emmeth. Sure kasi siya na pag nakita nito ang motorsiklo niya, siya ang nasa university at hindi si Mint.
Medyo iniba niya din ang pag kilos niya. Just the way how her twin is.
Naka smile and palaging bumabati.
At kailangan niyang panindigan yon lalo na kapag nandoon na si Emmeth.
Ang lalaking pang gulo sa buhay ko 😡
First class...wala si Emmeth kaya nakahinga ng maluwag si Max. Wala din ang mga kaibigan nito na madalas niyang makita noon na kasama nito.
Second class, sumilip muna si Mint at nang makitang wala din doon si Emmeth, she felt relief ng sobra sobra. At least, sa mga classmate niya lang siya mag papanggap.
"Mint" Tawag nito Vien.
"Vien" Pati ang pakikipag kaibigan ni Mint para kay Vien ay kailangan ding panindigan ni Max.
"Sama ka" anyaya nito.
"Saan?" Sinabayan na ito ni Max sa paglalakad patungo ng canteen.
"Sa labas tayo kumain. My treat" nakangiting sagot nito.
"Huh? Wag na, nakakahiya" pagtanggi ko.
"Ayaw mo" bigla itong sumimangot.
"Eh nakakahiya kasi. Dito nalang tayo"
"Birthday treat ko kasi yon eh" sabi nito.
"Huh? Ganon ba. Sorry ha. Sige na nga" Pag payag ko. Nakakahiya din naman kung hindi ko pa mapagbigyan ang maliit na hiling nito.
