Kakayanin : part 38

682 65 115
                                    

A/N : after reading some comments....😭💔 ito ang nararamdaman ko for Max character.

OA-----TANGA-----MA-DRAMA

Never been in Max situation or never experienced those things but now I know how it feels. I created her character, I am her, I am Mint and I'm all the characters in this story.

Ngayon alam ko na ang pakiramdam na...husgahan ka. Yung hindi ka maunawaan. Yung hindi matanggap. That's the truth and it hurts.

When you've done all things but still...people can't accept you.

When you sacrificed too much but still...people can't see it and see you unworthy.

When people see all.your wrongs and not the right thing you did.

When you have to run coz you don't know what to do anymore...and people will say, you're coward. Too much drama.

All.your life...hindi niyo ba nagawa ang umiwas o tumakbo?

Matapang niyo bang hinarap ang lahat ng problema niyo?

Malakas si Max, walang hindi kinakaya. Pero dito sa story na to, tao parin siya. Marunong ding matakot. Naguguluhan.

WE ALL KNOW WHAT'S HAPPENING BUT SHE DIDN'T...SO DON'T JUDGE HER QUICKLY.

No hate...ipinapaliwanag ko lang po ang side ni Max sa inyo. Dahil nasasaktan ako bilang ako ang may gawa ng character niya. 

So let's continue...and say goodbye.

-

Unedited

Phone call

Emmeth, nahanap niyo na ba si ate?

[ Hindi pa Mint. Nakikipag coordinate na kami sa possible stop over ng bus na sinakyan niya. Palabas na kami ng Manila para sundan siya ]

Sinong kami?

[ Niel, Uno and Rick. Pakisabi nalang kay lolo Fredo ]

Oo...Emmeth----please, Ibalik mo ang ate Max

[ I will Mint. Hindi ako babalik ng hindi siya kasama ]

Salamat Emmeth. Mag iingat kayo

-

Habang palayo ng palayo ang bus na sinasakyan ko, pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Masakit dahil kapalit non ay ang tuluyan kong paglayo sa mga taong mahal ko, mga taong mahalaga sa buhay ko.

Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Duwag ako. Duwag akong harapin ang katotohanan. Duwag akong aminin na nasasaktan ako sa pag talikod ko kay Emmeth. Mahal ko na siya. Baka nga mahal na mahal na. At ngayong malayo na ako sa kaniya, ang mga alaala niya nalang ang tanging baon ko. Ang pagmamahal niya na itinanim ko sa puso ko. Ang maamo niyang muka na nakatatak na sa isip ko. 

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon