Kakayanin : part 35

661 62 45
                                    


"Zup man" sina Niel, Rick, at Uno ang bisita ni Emmeth ng hapong yon sa hotel.

"Yo man" tumayo si Emmeth at nilapitan ang mga kaibigan.

"Naks, boss na boss ang dating natin ah" hinimas himas pa ni Uno ang suot nitong black sleeves.

"Pwede ba ko dito bilang manager" ani Niel na nakaupo na sa swivel chair ni Emmeth at nakataas pa ang mga paa sa table nito.

Nilapitan ito ni Emmeth saka ibinagsak ang mga paa sa sahig "my working table is now dirty Niel" reklamo nito.

"Wow naman bro. Nakikita mo yang sapatos ko. Mas mahal pa yan sa working table mo tssssk"

"As if I care" ganting sagot ni Emmeth "what brings you here-----you all son of mushroom" na sinagot ni Rick ng
suntok sa braso ni Emmeth.

"Son of mushroom pala ha----eh ikaw ano, isang lalaking masikreto" napatingin si Emmeth sa sinabi ni Rick. Pero ang tatlo, sa kaniya naman nakatingin na parang nagtatanong ang mga titig.

"Hey, what's with that stare huh?" Saka bumalik si Emmeth sa upuan niya.

Ang tatlo, naupo paharap kay Emmeth na ang mga tingin ay hindi inaalis dito.

"Guys----what's the problem really? You came here without notice and what's with that stare?" Hinarap ni Emmeth ang mapanuring titig ng mga kaibigan.

"We'll bro----wala ka bang gustong sabihin samin?" Panimula ni Rick.

"Sabihin? About what?" Kunot noong tanong ni Emmeth.

"Ilang buwan na ang nakakaraan pero wala kang balak na ipagtapat sa amin ang nangyayari sayo. Kung hindi pa namin nalaman sa iba " Si Niel.

"At----kung hindi ka pa namin nasundan, hindi namin mako-confirmed na totoo nga" inilapit pa ni Uno ang muka nito kay Emmeth "so ano. Lihiman Emmeth"

"Hey, ano ba talaga ang sinasabi niyo. I don't know what you're talking about"

"This" sabay pakita ni Rick ng isang larawan sa phone nito.

That photo was taken when Emmeth and Max got married.

"Heto pa" ipinakita din ni Niel ang isang photo sa phone nito.

At yon ay sa labas ng bahay nila ni Max.

"At eto pa. Eto pa ha" halos ipagduldulan ni Uno sa muka ni Emmeth ang cellphone nito.

At yon ay kuha sa Uni ni Max. Kung saan ay inahatid niya ito.

"So ano Emmeth, wala ka parin bang sasabihin samin" muling tanong ni Rick.

"Fine---I'm sorry guys for keeping you this"

"Dapat lang----kakatampo ka naman friend. Ikinasal ka na wala kaming kaalaman alam. Abay gusto ko pa namang makapag suot ng barong tagalog na may colored shirt under. Yung uso sa province. Ganda non mga bro" higit ni Niel.

"Nasa Manila tayo bro. Ang uso dito, sut" ani Uno.

Binatukan ito ni Rick "Anong sut. Suit Uno suit. Ang tagal mo na dito sa Manila, yung dila mo, pilipit parin"

"Pake mo ba. I love may nature tounge"

"Oy mga balasubas. Nalilihis na tayo ng usapan. Mamaya makalimutan natin ang pakay natin sa taong ito " Mabilis na ibinaling ni Niel ang atensyon kay Emmeth.

"Amin amin din pag time bro" muling sita ni Niel kay Emmeth.

"It's true" umpisa ni Emmeth. There's nothing to hide anymore. And right from the very start, ayaw naman niya talagang itago ang tungkol don. He's only respecting Max decision.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon