MaxNaalimpungatan ako ng may maramdaman akong mainit na bagay sa tainga ko. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at hinanap ang bagay na yon. At napangiti ako...
Himbing na himbing ang pagtulog ni Emmeth sa tabi niya. Nakayakap pa ang braso nito sa baywang ko na parang mawawala ako.
Last night...I've realized one thing, kung gaano ako kamahal at nirerespeto ni Emmeth. He was tempted at inakala kong may mangyayari sa aming dalawa. I wasn't ready yet pero mahal ko si Emmeth kaya if ever na may mamagitan sa amin, I won't regret.
"I wanted you so badly...pero it's not the perfect time. I wanted to present you to God, in front of the Altar, to everyone as clean and as pure as my love for you"...yon ang mga sinabi niya.
Mga salitang nagbura lahat ng pag aalinlangan ko.
Si Emmeth, ang lalaking kinamuhian ko noon. Ang isinumpa kong hindi ko mamahalin...ganito pala kalaki ang pagmamahal sakin.
Maswerte ako na nagkakilala tayo beb. Hindi man maganda ang naging simula natin, pero gumawa ka ng paraan para mabago yon. Alam kong nasaktan din kita dahil sa pag balewala ko sayo noon. Ang pag iwan ko sayo. Pero hindi nawala ang pagmamahal mo. Hindi ka sumukong hanapin ako noong nalaman mong hindi pa ako patay. Hindi ka nawalan ng reason para mahalin ako. Salamat sa pagdating mo sa buhay ko. Akala ko, hindi ko na mararanasan to. Yung mahalin ako. At ikaw----sobra sobra pa ang pagmamahal na ginawa mo. Anuman ang problemang kinakaharap mo ngayon, makakaasa kang hindi kita iiwan. Sabay nating haharapin ang lahat. At pangako, hinding hindi kita isusuko. Ikaw man ang tunay na ama nang magiging anak ni Liz o hindi.
Umusog pa ako palapit dito para gumanti ng yakap. Muling ipinikit ang aking mga mata. Kung pwede lang na ganito nalang kami habang buhay.
-
Emmeth
Nagising ako nang maramdaman kong may mabigat sa bandang dibdib ko. Just to smile nang makita kong payapang natutulog doon si Max.
Then I remember what almost happened last night. I was kissing her and tempted to own her. Pero hindi ko ginawa. She responded on my kisses and I know, she's willing to give in. Pero hindi iyon ang tamang panahon. Gusto kong ikasal muna kami. My mom once told me that every woman's sacred thing should be kept until she gets married. I know Max is----pure and virgin. And at my age, at my status, I'd never experienced such. Not all boys are fucked boys. Meron parin namang mga lalaki na hindi lang s3x ang habol sa isang babae. Hindi lahat babaero...and I'm one of those. And I'm proud to say that.
And the woman that I've found and love, siya ang babaeng handang handa akong iharap sa pedestal. Handa akong ibigay ang lahat, kahit pa maging slave nya ako okay lang. Wag lang siyang mawala sa buhay ko.
And one time my dad told me, you'll never know what true love means unless you'd experience the feeling of being alone when she's not with you, longing, hurt, helpless, lifeless and most, the feeling of being scared.
And those, I've been through already when I've found Max.
Others were counting woman that passed on their lives. Coz for others, it's a status. Na magaling ka pagdating sa babae. Na hindi ka masasaktan dahil ikaw ang nang iiwan. But a no for me. Dahil para sakin, love is not only a word love. Kapag nagmahal ka, you're not only sharing love, but all that you have. Once na sinaktan mo ang babae, masasaktan ka din. Dahil half of your heart ay nasa kaniya when you decided to love that person. Unless, it's fake.
At masaya ako, kontento dahil nahanap kita beb. Now I finally believe in destiny. Mag kamuka kayo ni Mint pero ikaw ang minahal ko. Ikaw na pilit akong iniwasan kaya nakagawa ako ng isang desisyon na alam kong mali pero hindi ko pagsisisihan. Minahal kita kaya nagawa kong ipitin ka sa isang sitwasyon. Alam kong minahal mo din ako noon pero dahil sa maling nagawa ko, mas pinili mong itago ang totoo.
Pero heto na tayo ngayon, like a dream na yakap yakap na kita. Na Malaya kong nasasabi sayong mahal kita. Worth it ang paghihintay ko sayo. Lahat ng pagod at hirap.
Naputol ang pagmumuni ko ng tuluyan nang magising si Max.
Maybe for others, ang babaw ko dahil ma experience ko lang na ako ang una niyang masisilayan sa oras na imulat niya ang mga mata niya, was one of the happiest day of my life.
"Morning" and her morning voice which I've found sexy.
"Morning" I hug her tightly "masarap ba naging tulog mo?"
She nodded "Ikaw? " tanong pabalik nito.
"It was one of the happiest and most memorable day of life. To sleep and woke up beside you"
"Emmeth" tumingala ito kaya nagtagpo ang aming mga mata.
"May gusto kang sabihin?" tanong ko pero wala naman akong maramdamang kaba kaya alam kong wala naman akong dapat ikatakot.
"I love you" and so my heart melt.
"Mas mahal kita. And nothing and no one can separate us. Ilalaban kita sa kahit ano o sino pa man"
Then she pressed her lips onto mine.
I've felt contentment.
I can't live without her.
To be continued...
You can't keep a man/woman by doing everything that you can...you can only keep them only if that man/woman wanted to be kept by you....remember that.