Max
Pagka hatid sa akin ni Emmeth sa kwarto ay hindi muna agad ito umalis.
"Inaantok ka na ba?" tanong pa nito sa akin pagka upo ko sa gilid ng kama.
"Hindi pa naman, bakit?" Sagot ko.
"Can I stay here for a while" Ang mahinang pagka sabi nito.
"Bahala ka" Ang muling sagot ko.
Hindi ako nakakakita pero ramdam kong pinagmamasdan niya ako.
"Kamusta naging buhay mo dito? Hindi ka ba nahirapan? Nakakakain at nakakatulog ka ba ng maayos?" Sunod sunod na tanong nito na may halong pag alala.
Matagal kaming hindi nagkita. Iniwan ko siya. Nasaktan ko ng hindi ko naman sinasadya. Hindi ko sinasadya dahil hindi ko alam na wala na palang nararamdaman si Mint ng mga panahong yon kay Emmeth. Nagkamali ako. Pero heto siya, ipinaparamdam niya sakin ang pagmamahal niya. Nagkamali ako ng unang pagkakakilala sa kaniya. Pero hindi ko masisisi ang sarili ko, dahil nagsimula sa mali ang lahat. Inipit niya ako sa isang sitwasyon na wala akong lulusutan o pamimilian. Inisip kong makasarili siya, na masama siyang tao. Inakala kong laro lang ang lahat sa kaniya, pati ang nararamdaman niya para sakin. Pero hindi pala. Dahil ngayon, muli niya itong ipinaramdam sa akin. Hinanap niya ako, hindi siya napagod.
"Okay naman. Mahirap ang buhay nina lola Panying pero hindi ko naramdaman ang hirap na yon dahil sa pagmamahal niya. Salat man kami sa lahat ng bagay, pero naging masaya ako sa piling nila. Mahirap lang dahil bulag ako----pero alam mo. Na realize ko, ngayong bulag ako, ang ganda pala ng buhay. Kasi sa kabila ng hindi ako nakakakita, na madilim ng lahat, para sakin, napakaganda ng mundo. Na pwede kang maging masaya sa maliit na bagay lang. Ngayon, kasama ko na muli si Mint, wala nang mas sasaya pa sa araw na to Emmeth. Hindi ko nga inaakalang magkikita pa kami. Inisip ko noon na yung paglayo ko, hinding hindi na kami muli pang magkakasama. At inisip ko din na baka galit siya dahil tinalikuran ko siya. Pero wala akong narinig sa kaniya na kahit anong hinanakit. Hindi ko yon naramdaman" Sandali akong tumigil sa pagsasalita at pinakiramdaman si Emmeth "i-ikaw. Hindi ka ba galit ka ba sakin?" Isang tanong na kay hirap para sa akin na sambitin.
May pag aalinlangan parin kasi ako. Hindi lang sa isip ko, maging sa puso ko.
Ilang segundo pero wala akong narinig na sagot mula dito.
Hanggang sa naramdaman ko nalang na umupo ito sa tabi ko. Ang mainit na mga palad nito sa ibabaw ng mga kamay ko.
"Hinding hindi ako magagalit sayo. Dahil mas galit ako sa sarili ko. Kasalanan ko kung bakit naging magulo ang lahat. Ako ang dahilan kung bakit nangyari ang mga ito-----patawarin mo sana ako Max. Pero maniwala ka, nagawa ko lang yon dahil sa mahal kita. Alam ko selfish ways ang naging paraan ko. Nagkamali ako. Maling mali. Dahil pinilit kita na gawin ang mga gusto ko. Iyon lang kasi ang naisip kong paraan para maging akin ka. Noong ikinasal tayo, nangako ako sa sarili ko na ipapa ramdam ko sayo ang pagmamahal ko. Alam kong may nararamdaman ka din para sa akin Max, pero hindi mo magawang iparamdam dahil masama ang tingin mo sakin. At naiintindihan ko yon. Hindi madaling kalimutan ang ginawa ako. At noong inakala kong nawala ka na sakin, that you left me forever, I blamed myself. I'm really sorry Max. Ang naging kasalanan ko ay minahal kita ng sobra. That turned me into a worst person. But believe me, that's not me. I know you hated me for that kahit na hindi mo sabihin. Pero maniwala ka, naiintindihan ko. At gusto kong itama ang lahat-----kung papayagan mo ko?"
Pumikit ako at inalala ang pag sasama namin noon ni Emmeth. Kung paano nagsimula ang lahat. Kung paano ako na inis dito. At halos kasuklaman ang araw ng kasal naman. Isa kasi sa pinaka ayaw ko ay ang gawin ang isang bagay na labag sa loob ko.
Makalipas ang ilang segundo ay muli akong nagmulat. Ang mga kamay ni Emmeth na nakapatong sa ibabaw ng mga kamay ko ay marahan kong hinawakan.
"Alam mong mahal din kita di ba"
"Alam ko. Pero hindi ko alam kung tanggap mo parin ako. Pwedeng mahal mo ko, pero hindi ka na handang tanggapin pa ako sa buhay mo"
"Kung sasabihin kong tama ka. Susuko ka ba?" Ang naisatinig ko.
"Hindi. Hinding hindi" Naramdaman ko ang pag galaw nito. Alam kong ngayong ay na kaharap na siya sakin " Gagawin ko ang lahat para lang tanggapin mo ko sa buhay mo, sa puso mo. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo, gagawin ko"
Bahagya akong ngumiti sa mga sagot sa akin ni Emmeth.
"Maging totoo ka lang, yon lang. Kung sino ka talaga. Kung ano ka talaga. Yung totoong Emmeth. Hindi yung Emmeth na unang nakilala ko. Yung Emmeth na kinainisan ko" Pagtatapat ko.
Naramdaman ko ang pag alis niya sa tabi ko. Ang pag lipat at ang pag luhod nito sa harapan ko habang mahigpit na nakakulong ang mga palad ko sa mainit na palad nito.
"I will Max. This time, magiging totoo na ako. Ipapakita at ipaparamdam ko sayo ang totoong pagmamahal ko. Salamat" Naramdaman ko ang mainit na mga labi nito na humalik sa mga palad ko.
Isang mahinang katok ang pumutol sa pag uusap naming yon.
"Pwedeng pumasok" dinig kong tanong ni Mint sa kabilang pintuan.
"Pasok Mint" sagot ko. Tumayo na rin si Emmeth mula sa pagkakaluhod nito.
"Hindi ba ako nakakaistorbo?" May himig panunukso ang tanong ni Mint sa amin.
"Wala. Nag uusap lang kami. Sige na Emmeth, matulog ka na" pagtataboy ko dito.
"Okay----ahm goodnight Mint" sabi pa nito sa kakambal ko. Iniintay kong mag goodnight din ito sakin pero wala akong narinig.
"Oo na" Ang boses ni Mint na tila ba may palihim na pinag usapan ang dalawa.
Hanggang sa maramdaman kong nasa tapat na nang tainga ko ang mga labi ni Emmeth.
"Goodnight----I don't think I can sleep tonight. Have me in your dreams beb" saka ito humalik sa sintido ko.
Narinig ko ang paglapat ng pintuan ng kwarto. Palatandaan na lumabas na nga si Emmeth.
"Ang tamis naman" Ang panunukso ni Mint "I'm happy for you twinnie" sabay hila sa akin ni Mint pa higa sa kama.
"Masaya din ako. Hindi lang para sakin kundi sayo din"
"We both found true love" Ang tila nangangarap na sambit ni Mint habang nakayakap sa baywang ko.
"Hope it will last" Ang nasabi ko.
"Nagdududa ka parin ba kay Emmeth?" Ang naging tanong ni Mint sa sinabi ko.
"Hindi---pero natatakot ako. Hindi natin hawak ang kapalaran natin. Pwedeng may magbago" Ang agam agam ko.
"Hangga't mahal niyo ang isat isa, walang kahit ano o sino ang makakapag pabago non. Trust him and trust this" sabay lagay nito ng palad ko sa tapat ng puso ko.
Napa buntung hininga ako sa sinabi ni Mint. Tama siya. At palagay ko, nagiging oa na ako. Masyado akong nag iisip.
"Tama ka. Sa ngayon, isa lang muna ng isipin ko. Yon eh ang maging masaya dahil kasama kita----
"At kasama mo na siya" Ang dugtong ni Mint sa sinabi ko.
Mahimbing nang natutulog sa Mint sa tabi ko pero hindi parin ako dalawin ng antok. Hindi dahil ayaw ko sa bahay na yon. Namamahay siguro ako. Hinahanap hanap ko ang bahay ni lola Panying at ang kakulitan ni king bago kami matulog. Mahilig itong magpa kwento at kapag nag kwento na ko, tahimik itong makikinig at pagkatapos ay saka ako tatanungin ng kung ano ano hanggang sa abutin na kami ng hating gabi. Hinahanap hanap ko din ang matigas na papag na nakasanayan ko nang tulugan sa loob ng maikling panahon.
Hindi ko sila iiwanan sa lugar na to...Kung nasaan ako, isasama ko sila.
To be continued...
Minsan may mga bagay na nakasanayan na natin...pero kailangan nating bitawan o kalimutan.