Someone's POV"Itutuloy mo parin ba yang plano mo? Wala siyang kinalaman sa nangyari Collin"
"Pwede ba Liz, stop meddling okay. And who are you para pakinggan ko. If I know, baka katulad ka din niya" sigaw ni Collin kay Liz.
"Stop comparing will you. I'm not her. Naaawa lang ako sa babaeng yon if ever na itutuloy mo parin ang plano mo. She's innocent. Hindi ka man lang ba nakokonsensya"
"Why would I? I've already made a decision. Hurting her would me my happiness. It's not her fault yes, but there's nothing she can do. It's a win win win situation"
"Win win situation? Do you even hear yourself? Do you even see yourself now Collin? That's not you. Walang win win situation dahil from the very start, wala kang kaaway, wala kang kalaban. It's just you and no one else. Caging your heart in hatred won't make you happy. Never forget Collin, in everything you do, wether good or bad, it'll back to you, double. And make sure, that it's not you left hurting in the end" saka nito iniwan si Collin.
I'm not Liz. I'll make sure of that
-
A bouquet of white roses. Yon ang unang dinatnan ni Mint sa ibabaw ng working table niya. With a note stick to it.
_____________________________________________
A beautiful flowers
for a beautiful lady.
Smile always 😊
N.M
_____________________________________________
Siya na naman...sino ka ba talaga?Inilagay niya sa tabi ng table niya ang bulaklak at hinarap na ang trabaho niya. Manaka naka ay napapalingon siya sa mga bulaklak na yon at muli ay ang pagtataka kung sino ang nagpapa bigay non. Kahapon lunch, ngayon flowers. Kung naiba lang siya siguro, baka kinilig na siya. Pero natatakot siya. Paano kung killer or rapist pala ang nagpapa bigay non. O kaya naman, may balak sa company nila. O kaya....
Hay wag kang paranoid Mint...basta huwag kang magpapadala sa mga pa effect niyang ganiyan. Kung sino man yon. Don't think to much...,nakakasama⚠
Huminga siya ng malalim at muling ibinalik ang focus sa trabaho niya.
12:45 pm
Kung hindi pa kumulo ang tiyan niya ay hindi niya pa mamamalayan na halos pa tapos na pala ang lunch break. Nag stretch siya ng kaunti at kumuha ng pera sa bag para bumaba sa canteen. Hindi siya maarte sa pagkain kahit pa sabihing iba na ang status ng buhay niya ngayon. From nothing to businesswoman. Nakakalula, mahirap paniwalaan, pero totoong nangyayari sa kaniya. Masaya naman siya sa takbo ng career niya ngayon, pero hindi parin kumpleto. Nawala na ang mga mahal niya sa buhay, naiisip din niya, para saan ba yung mga ginagawa niya?
"Ma'am Mint" Si T na nananakbo para habulin ang boss niya.
Narinig ni Mint na may tumawag sa kaniya bago pa siya makasakay sa lift.
Nalingunan nito si T na lakad takbo na parang hinahabol siya.
"Oh T. Bakit?"
"Hay" hingal na sabi "Wait lang ma'am. Hinga lang ako" humawak ito sa tuhod niya na halatang na pagod.